Para sa kalikasan, para sa kaligtasan! Umabot sa 200 boluntaryo mula sa ASEZ WAO, katuwang ang Nangka Barangay Council, BJMP, at BFP, ang nagkaisa para magtanim ng 200 na puno sa kahabaan ng gravity wall sa Brgy. Nangka, Marikina noong Hulyo 26, 2026. Bilang pagkilala sa kanilang malasakit, iginawad ng Sangguniang Barangay ang Sertipiko ng Pagkilala sa grupo.
Christian Famero | Branch Manager, ASEZ WAO Marikina
"Ang gravity wall ay itinayo para protektahan ang Brgy. Nangka sa baha mula sa Marikina River. Naniniwala kami na sa pamamagitan ng pagtatanim ng mga puno ay makakatulong ito para sa flood mitigation, mas magiging luntian ang Marikina, at magiging sustainable para sa susunod na henerasyon."
Celso delas Armas, Jr. | Kapitan, Brgy. Nangka, Marikina
"Kami ay lubos na nagpapasalamat sa ASEZ WAO sa kanilang pagtulong, pagsuporta, at pakikiisa sa ating pagtatanim ng mga puno."
경기도 성남시 분당구 성남분당우체국 사서함 119
Tel 031-738-5999 Fax 031-738-5998
총회: 경기도 성남시 분당구 수내로 50(수내동)
대표교회: 경기도 성남시 분당구 판교역로 35(백현동 526)
ⓒ World Mission Society Church of God. 모든 권리 보유. 개인정보처리방침