Isang araw ng tuwa at pag-asa: Mahigit 200 boluntaryo mula sa ASEZ National University (NU), sa suporta ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) – CENRO Guiguinto, at ng City Government ng Meycauayan, ang nagsama-sama sa pagtatanim ng mga puno sa kahabaan ng Meycauayan River noong Enero 28, 2024. Dumalo rin at nagbigay ng suporta ang ilang opisyal at kilalang personalidad:
1. Jin Rose Eugenie Mizuse — SK Federation President, Meycauayan
“May mga volunteers pa mula Quezon City na nagpunta hanggang Region III para makilahok. Nakakatuwa — magandang simula ito at malaking tulong sa mga residente ng Brgy. Tugatog.”
2. Danilo Abacan Jr. — City Councilor, Meycauayan
“Bihira na ang mga grupong nagsasagawa ng tree planting at cleanup, lalo na ng kabataan. Sana ipagpatuloy natin ito at magtulungan para sa ating komunidad.”
3. Gaspar Hilario Calumba — ASEZ Welcome Rotonda, Quezon City Branch
“Labis ang aking pasasalamat na naisagawa ang tree planting sa Brgy. Tugatog, Meycauayan, Bulacan. Ang layunin ng pagtatanim ay sundin ang mga salita ng Makalangit na Ina na hindi lamang tayo dapat magsagawa ng pangangaral, kundi maging aktibong makibahagi rin sa mga gawaing boluntaryong paglilingkod upang maipakita ang pag-ibig ng Diyos sa ating kapwa. Malaking tulong ang bamboo sa mga komunidad bilang pinagkukunan ng kabuhayan. Kahang-hangang kabataan — puno ng sigla at determinasyon.”
119 Bundang P.O.Box, Bundang-gu, Seongnam-si, Gyeonggi-do, Rep. of KOREA
Tel +82-31-738-5999 Fax +82-31-738-5998
総会:大韓民国京畿道城南市盆唐区藪内路50(藪内洞)
代表教会:大韓民国京畿道城南市盆唐区板橋駅路35(柏峴洞526)
ⓒ World Mission Society Church of God. All rights reserved. 個人情報保護方針