✈️ PATTS College of Aeronautics & Olivarez College
Sa gitna ng dumaraming balita tungkol sa karahasan at krimen na kinasasangkutan ng kabataan, patuloy na nagsasagawa ang ASEZ volunteers ng makabuluhang hakbang upang magbigay ng kaalaman at pag-asa sa mga estudyante.
Noong Nobyembre 13, 2025, matagumpay na isinagawa ang ASEZ Crime Prevention Seminar sa Audio Visual Room ng PATTS College of Aeronautics bilang bahagi ng ASEZ Reduce Crime Together (RCT) Project.
Binuksan ang programa ni ASEZ Parañaque Branch Manager Phil Park sa pamamagitan ng kanyang opening remarks, na sinundan ng mensahe ng suporta mula kay Dr. Catherine M. Camposano, Principal ng PATTS Senior High School.
Humigit-kumulang 400 estudyante at mga guro ang dumalo sa seminar. Naging tampok dito ang lecture ni PMSG Napoleon R. Mallari Jr. mula sa Investigation and Detective Management Section tungkol sa “Crime Awareness Modus Operandi,” na nagbigay ng mahalagang kaalaman ukol sa pag-iwas sa iba’t ibang uri ng krimen.
Ibinahagi rin ni Angeleijh Louise T. Gardola, isang estudyante ng PATTS, ang kanyang magandang impresyon tungkol sa ASEZ. Ayon sa kanya, “Napaka-organized ng ASEZ volunteers at napakabait nila sa amin. Pinaramdam nila na kabilang kami sa seminar. Sana balang araw ay maging miyembro rin ako ng ASEZ.”
Naging mas masigla ang programa sa pamamagitan ng interactive activities sa pagitan ng mga estudyante at ASEZ volunteers, na lalong nagpakita ng aktibong partisipasyon ng mga kabataan. Nagkaroon din ng support signature campaign bilang simbolo ng pagkakaisa para sa isang mas mapayapa at ligtas na lipunan.
Nagpahayag naman ng taos-pusong pasasalamat si Virgilio V. Dolina, Discipline Information Officer, para sa mahalagang kontribusyon ng ASEZ sa komunidad.
Samantala, matagumpay ding naisagawa ang ASEZ RCT Seminar sa Olivarez College sa parehong araw. Muling pinangunahan ni Phil Park ang pagbubukas ng programa kung saan mahigit 120 kalahok ang dumalo.
Nagbigay rin ng makabuluhang mensahe sina Captain Aries Kent Comia, Head ng Community Affairs Section ng PNP–Parañaque, at Hon. Eric L. Olivarez, Vice Chairman at VP for Academic Affairs ng Olivarez College.
Lalong naging makahulugan ang programa sa pamamagitan ng ASEZ RCT Lecture at musical performance ng awiting “When You Believe.”
Ayon kay Hon. Eric L. Olivarez, naging napaka-informatibo at interactive ng forum. Aniya, maraming natutunan ang mga estudyante ng Olivarez College, at kapuri-puri ang adhikain ng ASEZ dahil hindi lamang crime prevention kundi pati disaster resilience ang isinusulong nito para sa kapakanan ng komunidad.
Sa pamamagitan ng ASEZ Reduce Crime Together Project, patuloy na nagkakaisa ang mga kabataan upang makapaghatid ng pag-asa, kamalayan, at positibong pagbabago tungo sa isang mas ligtas at mapayapang lipunan.
P.O. Box 119, Correio de Seongnam Bundang, Bundang-gu, Seongnam-si, Gyeonggi-do, Coreia do Sul
Tel.: 031-738-5999 / Fax: 031-738-5998
Grande Assembleia: 50, Sunae-ro (Sunae-dong), Bundang-gu, Seongnam-si, Gyeonggi-do, Rep. da Coreia
Igreja Principal: 35, Pangyoyeok-ro (526, Baeghyeon-dong), Bundang-gu, Seongnam-si, Gyeonggi-do, Rep. da Coreia
ⓒ Igreja de Deus Sociedade Missionária Mundial. Todos os direitos reservados. Política de Processamento de Informações Pessoais