Nagdaos ng Seminar sa Bibliya ang World Mission Society Church of God sa Lungsod ng Quezon, noong ika-apat ng Pebrero 2024 na may temang: " Ang Aklat ni Daniel ay Nagpropesiya ng Kasaysayan ng Daigdig.” Higit sa 60 ang dumalo sa kaganapang ito kabilang ang mga kaibigan, kapamilya, katrabaho at kaklase ng mga miyembro ng Church of God.
Ipinalabas ang Introduction Video ng Church of God sa unang bahagi ng seminar at sinundan ng nakamamanghang presentasyon patungkol sa Kasaysayan ng Daigdig mula sa Aklat ni Daniel. Pagkatapos ay nasiyahan ang mga bisita sa inihandang Korean Snacks at Karanasan sa Kultura ng Korea gaya ng: Paggawa ng Dalgona, Kaligrapya, Mga Larong Koreano: “Jegichagi,” “Tuho,” “Ttakji,” “Gonggi” at Pagsuot ng Tradisyunal na Damit ng Koreano. Marami sa mga kalahok ay patuloy na nag-aral ng katotohanan sa bibliya at nakabalik sa piling nina Ama at Ina.
"Pakiramdam ko, ako’y lubos na pinagpala dahil nabigyan ako ng pagkakataon na malaman at saliksikin ang patungkol sa Makalupang Pamilya at Makalangit na Pamilya,” pahayag ng isang bisita na nakatanggap ng biyaya.
119 e-Bundang P.O. Box, Bungang-gu, Seongnam-si Gyeonggi-do, Rep.Yase Korea
Ucingo 031-738-5999 Isikhahlamezi 031-738-5998
Igatsha Eliphethe : 50, Sunae-ro, Bundang-gu, Seongnam-si, Gyeonggi-do, Rep. of Korea
Isonto Elikhulu: 35, Pangyoyeok-ro, Bundang-gu, Seongnam-si, Gyeonggi-do, Rep of Korea.
Wonke Amalungelo Aqukethwe. Yi-World Mission Society Church of God Inqubomgomo Yokuphepha