Dahil ito ay ang paglilibing ng mga kasalanan ng sangkatauhan, ang bautismo ay hindi lang nangangahulugang paglilinis; ang bautismo na may kahulugan na paglubog (paglilibing) ay ang katotohanan ng Biblia.
Dahil sinasabi ng Biblia na, “Ang kabayaran ng kasalanan ay kamatayan,” mamamatay ang lahat ng tao balang araw. Pero pinahihintulutan tayo ng Diyos na maunang ilibing ang mga kasalanan natin sa pamamagitan ng bautismo at ibinibigay ang bagong buhay sa mga nababautismuhan, gaya ng binuhay Niya si Jesus mula sa mga patay.
Nagbibigay ang Diyos ng buhay na walang hanggan sa mga kumakain ng laman ni Jesus at umiinom ng Kanyang dugo sa pamamagitan ng Paskuwa ng bagong tipan upang hindi na sila muling magkakasala pagkatapos maalisan ng mga kasalanan nila sa pamamagitan ng bautismo.
119 Bundang P.O.Box, Bundang-gu, Seongnam-si, Gyeonggi-do, Rep. of KOREA
Tel 031-738-5999 Fax 031-738-5998
Head Office: 50, Sunae-ro, Bundang-gu, Seongnam-si, Gyeonggi-do, Rep. of Korea
Main Church: 35, Pangyoyeok-ro, Bundang-gu, Seongnam-si, Gyeonggi-do, Rep. of Korea
ⓒ World Mission Society Church of God. Reserbado ang lahat ng karapatan. Privacy Policy