May tatlong kandidato para sa tagapagmana sa pamilya ni Abraham:
Sina Eliezer, Ishmael, at Isaac. Ito ay para ipakita na magkakaroon ng
tatlong uri ng pananampalataya sa panahong ito.
Sa mga araw ngayon, para makilala bilang mga tagapagmana ng Diyos,
ang mga tao ay dapat na maging mga anak ng Diyos Ina na kinatawan
bilang si Sarah na malayang babae, hindi lang ng Diyos Ama na kinatawan
bilang si Abraham.
Gaya ng nakikita natin sa kasaysayan ng pamilya ni Abraham,
ang susi sa kaligtasan ay ang Diyos Ina. Ang totoong anak ng pangako,
na bibigyan ng pamana ng langit at ng pangako na buhay na walang hanggan
gaya ni Isaac, ay ang Church of God na tumanggap kay Cristo Ahnsahnghong
na dumating muli sa Panahon ng Espiritu Santo at sa Diyos Ina.
Sinabi ng Diyos, “Hindi! Ang iyong asawang si Sara ay tiyak na magkakaanak
sa iyo, at tatawagin mo siya sa pangalang Isaac. Itatatag ko ang aking tipan
sa kanya bilang isang walang hanggang tipan, at sa kanyang lahi pagkamatay niya.
Genesis 17:19
Ngunit ang Jerusalem na nasa itaas ay malaya, na siyang ating ina …
At kayo, mga kapatid, tulad ni Isaac, ay mga anak ng pangako.
Galatians 4:26–28
119 Bundang P.O.Box, Bundang-gu, Seongnam-si, Gyeonggi-do, Rep. of KOREA
Tel 031-738-5999 Fax 031-738-5998
Head Office: 50, Sunae-ro, Bundang-gu, Seongnam-si, Gyeonggi-do, Rep. of Korea
Main Church: 35, Pangyoyeok-ro, Bundang-gu, Seongnam-si, Gyeonggi-do, Rep. of Korea
ⓒ World Mission Society Church of God. Reserbado ang lahat ng karapatan. Privacy Policy