Pinapatotoo ng Biblia na ang relasyon sa
pagitan ng mga makalupang bagay at ng mga
makalangit na bagay ay tulad ng isang kopya at
katotohanan nito. Ibig sabihin, malalaman natin
ang tungkol sa sistema ng makalangit na pamilya
sa pamamagitan ng sistema ng makalupang pamilya.
Sinasabi ng Biblia na gaya ng may mga ama tayo sa laman,
mayroon tayong Ama ng ating mga espiritu. Dagdag pa rito,
ipinapaalam din nito sa atin ang pagkakaroon ng Diyos Ina na
nagbibigay-buhay sa mga makalangit na anak.
Ngunit ang Jerusalem na nasa itaas ay malaya,
na siyang ating ina.
Galatians 4:26
Inilagay ng Diyos Ama at Diyos Ina ang Kanilang laman
at dugo sa Paskuwa ng bagong tipan at hinayaang
maging mga anak Nila ang mga sumusunod dito.
Mamanahin ng mga anak ng Diyos ang lahat ng luwalhati
sa langit bilang mga tagapagmana ng Diyos. Kaya ang biyaya
ng pagiging isang anak ng Diyos ay napakahalaga.
119 Bundang P.O.Box, Bundang-gu, Seongnam-si, Gyeonggi-do, Rep. of KOREA
Tel 031-738-5999 Fax 031-738-5998
Head Office: 50, Sunae-ro, Bundang-gu, Seongnam-si, Gyeonggi-do, Rep. of Korea
Main Church: 35, Pangyoyeok-ro, Bundang-gu, Seongnam-si, Gyeonggi-do, Rep. of Korea
ⓒ World Mission Society Church of God. Reserbado ang lahat ng karapatan. Privacy Policy