Gaya ng sa bawat bagay ay may kapanahunan, at panahon sa bawat aktibidad, ang ating buhay-pananampalataya ay may malinaw na layunin: ang kaligtasan ng ating mga kaluluwa — iyon ay, ang pagtanggap ng buhay na walang hanggan.
Para sa ating kaligtasan, isinagawa ng Diyos ang Kanyang gawain ng pagtubos sa loob ng 6,000 taon, hinati ito sa tatlong panahon — ang Panahon ng Ama, ang Panahon ng Anak, at ang Panahon ng Espiritu Santo — at binigyan tayo ng iba’t ibang pangalan ng Tagapagligtas sa bawat panahon.
Sa Panahon ng Ama, ang pangalan ng Tagapagligtas ay Jehovah. Nang ang panahon ay nagbago sa Panahon ng Anak, ito ay naging Jesus. Pero ngayon, tayo ay nabubuhay sa Panahon ng Espiritu Santo. Kung gayon, ang kaligtasan ay hindi matatanggap sa pamamagitan ng pangalang Jehovah ni sa pamamagitan ng pangalang Jesus. Tanging sa pagkaalam ng bagong pangalan ni Jesus at pagtawag sa pangalang ito tayo maliligtas.
Ang bagong pangalan ni Jesus — ang pangalan na nagkakaloob ng pagpapala na buhay na walang hanggan nang walang bayad sa Panahon ng Espiritu Santo — ay Cristo Ahnsahnghong.
119 Bundang P.O.Box, Bundang-gu, Seongnam-si, Gyeonggi-do, Rep. of KOREA
Tel 031-738-5999 Fax 031-738-5998
Head Office: 50, Sunae-ro, Bundang-gu, Seongnam-si, Gyeonggi-do, Rep. of Korea
Main Church: 35, Pangyoyeok-ro, Bundang-gu, Seongnam-si, Gyeonggi-do, Rep. of Korea
ⓒ World Mission Society Church of God. Reserbado ang lahat ng karapatan. Privacy Policy