Si Moises at si Jesus ay may relasyon bilang propesiya
at katuparan nito.
Nanalo ang mga Israelita sa labanan
sa Rephidim dahil itinaas ni Moises ang mga kamay niya.
Isa itong propesiya na mananalo ang bayan ng Diyos.
sa espirituwal na digmaan laban kay Satanas dahil
itinaas si Jesus sa krus.
Nang nakagat ang mga Israelita ng mga makamandag
na ahas at namatay ang marami sa kanila,
sinabi ng Diyos, “Gumawa ka ng isang ahas at ipatong mo sa isang tikin,
at bawat taong nakagat ay mabubuhay
kapag tumingin doon.”
Gayunman, nakalimutan
nila ang kapangyarihan ng mga salita ng Diyos
na nagligtas sa kanila at sinamba ang ahas na tanso
sa loob ng mga 800 taon.
Bilang resulta, nawasak
silang lahat.
Isa itong anino na nagpapakita na ang mga tao
ngayon ay mawawasak sa pagsamba sa krus,
nakakalimutan ang bagong tipang itinatag ni
Cristo sa pamamagitan ng Kanyang sakripisyo.
Hindi kalooban ng Diyos na magtayo tayo ng mga krus. Sa mga sinaunang Kristiyano, ang krus ay wala lang kundi isang sinumpang puno kung saan ipinako si Jesus.
“ ‘Sumpain ang taong gumagawa ng larawang inukit o inanyuan, isang karumaldumal sa PANGINOON na gawa ng mga kamay ng manggagawa at lihim na inilagay sa isang dako.’ At ang buong bayan ay sasagot at magsasabi, ‘Amen.’ ” Deuteronomy 27:15
119 Bundang P.O.Box, Bundang-gu, Seongnam-si, Gyeonggi-do, Rep. of KOREA
Tel 031-738-5999 Fax 031-738-5998
Head Office: 50, Sunae-ro, Bundang-gu, Seongnam-si, Gyeonggi-do, Rep. of Korea
Main Church: 35, Pangyoyeok-ro, Bundang-gu, Seongnam-si, Gyeonggi-do, Rep. of Korea
ⓒ World Mission Society Church of God. Reserbado ang lahat ng karapatan. Privacy Policy