Si Albina Ruiz Rios, na Ministro ng Kapaligiran ng Peru, ay nagkaroon ng espesyal na oras kasama ang ASEZ WAO, ang World Mission Society Church of God Young Adult Worker Volunteer Group.
Tinalakay ni Ministro Ruiz ang mga paraan upang tumugon sa pagbabago sa klima habang nakikipag-usap sa mga miyembro ng ASEZ WAO sa ilalim ng tema na “Isang Hakbang Tungo sa Isang Luntiang Earth” sa kumperensiya ng ASEZ WAO na ginanap sa Templo ng Bagong Jerusalem sa Pangyo noong Mayo 17.
Ibinahagi ni Ministro Ruiz ang kanyang mga karanasan at kaalaman tungkol sa mga pagsisikap sa pangangalaga sa kapaligiran, at binigyang-diin niya na mahalaga na ang mga young adult, mga pinuno ng mga susunod na henerasyon, ay kumilos upang labanan ang pagbabago ng klima.
Pagkatapos ng kumperensiya, ang Kagawaran ng Kapaligiran ng Peru at ang Church of God ay lumagda sa isang MOU at nangako ng patuloy at aktibong pakikipagtulungan para sa pangangalaga sa kapaligiran.
Ipinahayag ni Ministro Ruiz ang kanyang pananabik para sa paggawang kasama ng ASEZ WAO, at pinasigla niya ang mga miyembro ng ASEZ WAO, sinasabing, “Ang pinakamahalagang bagay ay na ang mga young adult ay dapat munang maging mga aktibista para sa kapaligiran, at gisingin ang mga tao para gumawa sila ng mga tiyak na aksiyon.”
119 Bundang P.O.Box, Bundang-gu, Seongnam-si, Gyeonggi-do, Rep. of KOREA
Tel 031-738-5999 Fax 031-738-5998
Head Office: 50, Sunae-ro, Bundang-gu, Seongnam-si, Gyeonggi-do, Rep. of Korea
Main Church: 35, Pangyoyeok-ro, Bundang-gu, Seongnam-si, Gyeonggi-do, Rep. of Korea
ⓒ World Mission Society Church of God. Reserbado ang lahat ng karapatan. Privacy Policy