N
Ang Dakilang Gawain ng Diyos na Isinasagawa sa Pamamagitan ng mga Hamak na Bagay
Ang mga Nasa Kamay ng Diyos
Ay Maaaring Maging mga Pangunahing Tauhan
ng Dakilang Gawain
Gaya nang ginamit ng Diyos ang tungkod ng pastol
para hawiin ang Dagat na Pula at para palabasin ang tubig mula sa malaking bato, ang ano mang nasa kamay ng Diyos ay laging nagpapamalas ng dakilang kapangyarihan.
Ngayon, ang Church of God, na tumanggap ng misyon na ipangaral ang ebanghelyo sa Samaria at hanggang sa kadulu-duluhang bahagi ng lupa, ay nagsasagawa ng ebanghelyo sa buong mundo hindi sa sariling lakas ng tao kundi sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Diyos.
Ang Pamantayan ng Pagpili ng Diyos
Ay Hindi Abilidad,
Kundi ang Ganap na Pananampalataya sa Diyos
Gaya ni Samson na pumatay ng isang libong Filisteo gamit ang isang panga ng isang asno, gaya ng batang si David na nakipaglaban sa higanteng si Goliat, at gaya nina Pedro, Juan, at Santiago na mga mangingisda;
sa panahong ito, ang mga naniniwala kay Cristo Ahnsahnghong at sa Diyos Ina at may pag-asa para sa kaharian ng langit ay gumagawa ng dakilang kasaysayan.
Sapagkat tingnan ninyo ang inyong pagkatawag,
mga kapatid: kakaunti sa inyo ang matatalino ayon sa pamantayan ng tao, hindi marami ang makapangyarihan, hindi marami ang isinilang na marangal. Kundi pinili ng Diyos ang mga bagay na kahangalan sa sanlibutan upang kanyang hiyain ang matatalino. Pinili ng Diyos ang mga bagay na mahihina sa sanlibutan upang kanyang hiyain ang malalakas … upang walang sinuman ang magmalaki sa harapan ng Diyos.
1 Corinthians 1:26–29
Bilang ng Panonood275
#Pagtitiwala sa Diyos
#Kapangyarihan ng Diyos
#Pangangaral