Kung tayo ay nabibilang sa halimaw sa pagsunod sa mga tuntunin ng tao, tatanggap tayo ng tanda ng halimaw na hahantong sa kaparusahan sa impiyerno. Matatanggap natin ang tanda ng kaligtasan mula sa Diyos pag naunawaan natin at tinaglay ang matatag na pananampalataya kay Cristo Ahnsahnghong, ang bagong pangalan ni Jesus, at sa Inang Bagong Jerusalem.
Pinopropesiya ng Biblia na para iligtas ang lahat ng anak ng Diyos, na kinakatakutan ang Diyos, mula sa huling sakuna, isasagawa ng Diyos ang gawain na paglalagay ng Kanyang tatak sa mga noo ng Kanyang mga anak mula sa mga dulo ng lupa, ang Republika ng Korea, kung saan sumisikat ang Araw, sa pamamagitan ng Kanyang mga utos kabilang ang Paskuwa.
At nakita ko ang isang halimaw na umaahon sa dagat … At ibinigay rito ng dragon ang kanyang kapangyarihan, ang kanyang trono, at dakilang kapamahalaan … At ang lahat … ay pinalagyan nito ng isang tanda sa kanilang kanang kamay o sa noo, upang walang sinumang makabili o makapagbili, maliban ang may tanda, samakatuwid, ng pangalan ng halimaw o ng bilang ng pangalan nito.
Revelation 13:1–17
At nakita ko ang isa pang anghel na umaakyat mula sa sikatan ng araw, na taglay ang tatak ng Diyos na buháy at siya’y sumigaw nang may malakas na tinig sa apat na anghel na pinagkalooban ng kapangyarihang pinsalain ang lupa at ang dagat, na nagsasabi, “Huwag ninyong pinsalain ang lupa, o ang dagat, o ang mga punungkahoy, hanggang sa aming matatakan sa kanilang mga noo ang mga alipin ng ating Diyos.”
Revelation 7:2–3
119 Bundang P.O.Box, Bundang-gu, Seongnam-si, Gyeonggi-do, Rep. of KOREA
Tel 031-738-5999 Fax 031-738-5998
Head Office: 50, Sunae-ro, Bundang-gu, Seongnam-si, Gyeonggi-do, Rep. of Korea
Main Church: 35, Pangyoyeok-ro, Bundang-gu, Seongnam-si, Gyeonggi-do, Rep. of Korea
ⓒ World Mission Society Church of God. Reserbado ang lahat ng karapatan. Privacy Policy