Para sa kaligtasan ng sangkatauhan, ibinigay ng Diyos sa atin ang Biblia at itinatag ang kautusan ng bagong tipan. Gaya ng natukoy ni Solomon kung sino ang tunay na ina ng anak sa pamamagitan ng likas na maka-inang pag-ibig, sa panahong ito, kinikilala ng Diyos ang mga sumusunod sa bagong tipan na iniutos ng Diyos bilang Kanyang mga piniling anak, at pinagkakalooban sila ng pagpapala ng kaligtasan.
Ngayon, sinusunod ng Church of God ang patnubay ni Cristo Ahnsahnghong at ng Makalangit na Ina ng Bagong Jerusalem. Ibinalik Nila ang bagong tipan na nawala, gaya ng Sabbath at Paskuwa, at ibinigay sa atin ang lahat ng katuruang kinakailangan para sa kaligtasan ng ating mga kaluluwa, na layunin ng ating pananampalataya. Kaya tanging ang Church of God ang may pangako na kaligtasan.
Ganito ang sabi ng PANGINOON: “Dahil sa tatlong pagsuway ng Juda, at dahil sa apat, hindi ko pawawalang-bisa ang parusa, sapagkat kanilang itinakuwil ang kautusan ng PANGINOON, at hindi iningatan ang kanyang mga tuntunin, kundi iniligaw sila ng kanilang mga kasinungalingang nilakaran din ng kanilang mga magulang.” Amos 2:4
Hindi ninyo siya nakita gayunma’y inyong iniibig; bagama’t ngayon ay hindi ninyo siya nakikita, gayunma’y inyong sinasampalatayanan, at kayo’y nagagalak na may galak na hindi maipaliwanag at puspos ng kaluwalhatian, na inyong tinatanggap ang bunga ng inyong pananampalataya, ang kaligtasan ng inyong mga kaluluwa. 1 Peter 1:8–9
119 Bundang P.O.Box, Bundang-gu, Seongnam-si, Gyeonggi-do, Rep. of KOREA
Tel 031-738-5999 Fax 031-738-5998
Head Office: 50, Sunae-ro, Bundang-gu, Seongnam-si, Gyeonggi-do, Rep. of Korea
Main Church: 35, Pangyoyeok-ro, Bundang-gu, Seongnam-si, Gyeonggi-do, Rep. of Korea
ⓒ World Mission Society Church of God. Reserbado ang lahat ng karapatan. Privacy Policy