Dahil binibigyan ng Diyos ang Kanyang mga anak ng mga pagpapala ng langit
sa pamamagitan ng bawat pagsamba, ang akto ng paniniwala sa Diyos
at ang mismong pagsamba sa Diyos ay galak at ligaya.
Ang isang obligadong buhay-pananampalataya nang walang
pag-asa para sa langit ay nagdadala ng tukso. Hindi natin dapat
na sundin ang landas nina Adan at Eva na natalo ng pagkatuso
ni Satanas, kundi magkaroon ng lubos na pananampalataya
gaya ng kay Job, at sambahin ang Diyos hanggang sa huli,
at daigin ang tukso sa pamamagitan ng salita ng Diyos,
sinusunod ang halimbawa ni Jesus.
Ang lahat ng makamundong tukso na humahadlang sa ating daan
patungo sa langit ay mga pagsubok. Gaya ng sinubok ang mga Israelita
sa bawat sandali sa disyerto nang 40 taon, ang mga miyembro ng
Church of God na lumalakad tungo sa makalangit na Canaan ay
binibigyan ng mga pagsubok, pero magagawa nating tiisin ang
mga pagsubok at tanggapin ang mga pagpapala ng langit sa huli
kung mayroon tayong ganap na pananampalataya sa Diyos Ama at Diyos Ina.
“Sapagkat tinupad mo ang salita ng aking pagtitiis,
ikaw naman ay aking iingatan sa oras ng pagsubok na darating
sa buong daigdig, upang subukin ang mga naninirahan sa ibabaw ng lupa.” Revelation 3:10
119 Bundang P.O.Box, Bundang-gu, Seongnam-si, Gyeonggi-do, Rep. of KOREA
Tel 031-738-5999 Fax 031-738-5998
Head Office: 50, Sunae-ro, Bundang-gu, Seongnam-si, Gyeonggi-do, Rep. of Korea
Main Church: 35, Pangyoyeok-ro, Bundang-gu, Seongnam-si, Gyeonggi-do, Rep. of Korea
ⓒ World Mission Society Church of God. Reserbado ang lahat ng karapatan. Privacy Policy