Gaya ng naiwala nina Adan at Eva ang kaluwalhatian ng Halamanan ng Eden dahil sa kasalanan na pagkain mula sa punungkahoy ng pagkakilala ng mabuti at masama, naiwala rin ng sangkatauhan ang lahat ng luwalhati dahil sa kanilang mga kasalanan sa langit at ipinatapon sa lupang ito. Ang sangkatauhan ay nahiwalay sa Diyos dahil sa kanilang mga kasalanan, pero hinayaan sila ng Diyos na sambahin Siya sa pamamagitan ng pitong kapistahan sa tatlong panahon, kasama ang araw ng Sabbath at ang Paskuwa, bilang isang paraan upang mapatawad ang kanilang mga kasalanan.
Mapapatunayan natin sa Biblia na ang handog ni Abel, na kinalugdan ng Diyos, ay kumakatawan sa pagpapatawad ni Cristo sa kasalanan ng sangkatauhan sa pamamagitan ng pagbubuhos ng Kanyang dugo sa krus. Sa pamamagitan ng pagpapakasakit ng dugo, iyon ay, pagsamba, ang sangkatauhan ay mas mapapalapít sa Diyos at magiging bahagi ng pamilya ng Diyos bilang mga anak ni Cristo Ahnsahnghong at ng Diyos Ina, ang mga Tagapagligtas sa Panahon ng Espiritu Santo.
Subalit ngayon ay na kay Cristo Jesus, kayo na noong una ay malayo, ay inilapit sa pamamagitan ng dugo ni Cristo. Kaya nga, hindi na kayo mga dayuhan at banyaga, kundi kayo’y mga kapwa mamamayan ng mga banal at mga kaanib ng sambahayan ng Diyos Ephesians 2:13, 19
119 Bundang P.O.Box, Bundang-gu, Seongnam-si, Gyeonggi-do, Rep. of KOREA
Tel 031-738-5999 Fax 031-738-5998
Head Office: 50, Sunae-ro, Bundang-gu, Seongnam-si, Gyeonggi-do, Rep. of Korea
Main Church: 35, Pangyoyeok-ro, Bundang-gu, Seongnam-si, Gyeonggi-do, Rep. of Korea
ⓒ World Mission Society Church of God. Reserbado ang lahat ng karapatan. Privacy Policy