Nakapaloob sa mga paghahandog ng Lumang Tipan ang pagsisisi ng mga makasalanan
at ang pagtubos ng Diyos. Matapos magawa nina Adan at Eva ang unang kasalanan,
pinahintulutan ng Diyos sina Cain at Abel na mag-alay ng mga handog
kung saan muli silang makakalapit sa puno ng buhay.
Nagpatuloy ang mga paghahandog sa panahon ni Moises
at nagbago sa mga pagsamba sa panahon ng Bagong Tipan.
Nang wala ang mga pagsambang inaalay natin sa Diyos,
hindi kailanman maibibigay sa atin ang kapatawaran ng mga kasalanan.
Sa lahat ng pagsamba ng Lumang Tipan,
nagbuhos ng dugo ang mga hayop sa halip ng mga makasalanan.
Gayunman, sa panahon ng Bagong Tipan,
inalay mismo si Jesu-Cristo bilang isang handog pangkasalanan.
Kaya naman, dapat nating ipangilin sa espiritu at katotohanan
ang lahat ng pagsambang itinatag ni Jesus sa pamamagitan
ng Kanyang sakripisyo.
Ang katotohanang naging isang pinakapunong pari si Jesus
ay nangangahulugan na dapat tayong magpatuloy sa pag-aalay
ng mga pagsamba. Banal na ipinapangilin ng mga miyembro
ng Church of God ang lahat ng pagsamba gaya ng araw ng Sabbath
at ng Paskuwa, at tumutungo sila sa kapatawaran ng mga kasalanan
at sa pag-asa para sa langit na ipinangako sa atin ng Diyos.
siya ang naging pinagmulan ng walang hanggang kaligtasan ng lahat ng mga sumusunod sa kanya;
yamang itinalaga ng Diyos bilang pinakapunong pari ayon sa pagkapari ni Melquizedek. Hebrews 5:9–10
119 Bundang P.O.Box, Bundang-gu, Seongnam-si, Gyeonggi-do, Rep. of KOREA
Tel 031-738-5999 Fax 031-738-5998
Head Office: 50, Sunae-ro, Bundang-gu, Seongnam-si, Gyeonggi-do, Rep. of Korea
Main Church: 35, Pangyoyeok-ro, Bundang-gu, Seongnam-si, Gyeonggi-do, Rep. of Korea
ⓒ World Mission Society Church of God. Reserbado ang lahat ng karapatan. Privacy Policy