Sa mga rehiyong tropikal kung saan halos hindi nagbabago ang klima, ang mga puno ay madalas na hindi nagkakaroon ng malinaw na growth rings, samantalang ang mga punong nagdusa dahil sa mga pagbabago sa panahon, mga peste, mga tagtuyot, at mga baha ay may matitingkad na growth rings. Gayundin, ang bawat tao ay may sariling growth rings upang matukoy kung anong uri ng buhay ang ipinamuhay niya para sa kaharian ng langit. Kaya naman, mahalagang isakatuparan ang kalooban ng Diyos nang may maalab na puso upang magligtas ng isang kaluluwa.
Araw-araw, hinuhubog ng bawat indibidwal ang kanyang makalangit na growth rings sa tahanan man o sa Simbahan. Ang kaisipan natin habang gumugugol ng oras sa pangangaral ng ebanghelyo, pagdalo sa pagsamba, at sa pananalangin ang tumutukoy sa ating makalangit na growth rings. Ang bawat tao ay pagkakalooban ng mga pagpapala at mga gantimpala nang naaayon.
“Ako’y malapit nang dumating at dala ko ang aking gantimpala, upang gantihan ang bawat isa ayon sa kanyang ginawa.” Revelation 22:12
Sapagkat ang naghahasik para sa kanyang sariling laman ay mula sa laman mag-aani ng kasiraan; subalit ang naghahasik sa Espiritu, mula sa Espiritu ay mag-aani ng buhay na walang hanggan. At huwag tayong manghinawa sa paggawa ng mabuti, sapagkat sa takdang panahon ay mag-aani tayo, kung hindi tayo manlulupaypay. Galatians 6:8–9
119 Bundang P.O.Box, Bundang-gu, Seongnam-si, Gyeonggi-do, Rep. of KOREA
Tel 031-738-5999 Fax 031-738-5998
Head Office: 50, Sunae-ro, Bundang-gu, Seongnam-si, Gyeonggi-do, Rep. of Korea
Main Church: 35, Pangyoyeok-ro, Bundang-gu, Seongnam-si, Gyeonggi-do, Rep. of Korea
ⓒ World Mission Society Church of God. Reserbado ang lahat ng karapatan. Privacy Policy