Dahil ang ating katawan ay templo ng Diyos, na binili ng Diyos ng Kanyang dugo, hindi tayo dapat na kumilos gaya ng mga Israelita na natukso ni Satanas at nasiyahan sa pakikiapid sa katapusan ng kanilang paglalakbay sa disyerto, ni tulad ni Esau na ipinagbili ang kanyang pagkapanganay dahil sa gutom. Dapat tayong mamuhay nang matuwid na sumusunod sa Diyos at hindi tinutularan ang masama at mapangalunyang mundong ito.
Pag ang mundo ay punô ng kasalanan at pangangalunya, hinahatulan ng Diyos ang sanlibutan. Gaya ng hinatulan ng Diyos ang masamang sanlibutang ito sa pamamagitan ng tubig sa mga araw ni Noe at sa pamamagitan naman ng apoy sa mga araw ng Sodoma at Gomorra, prinopesiya ng Diyos sa pamamagitan ng mga propeta na hahatulan Niya ang masama at mapangalunyang sanlibutang ito sa pamamagitan ng apoy, at tinuruan Niya ang Kanyang mga anak na mamuhay nang banal at maka-Diyos.
na sa pamamagitan din nito ang daigdig noon ay inapawan ng tubig at nagunaw. Ngunit sa pamamagitan ng gayunding salita ang kasalukuyang langit at lupa ay iningatan para sa apoy, na inilalaan sa araw ng paghuhukom at sa paglipol sa masasamang tao … ano ngang uri ng pagkatao ang nararapat sa inyo sa banal na pamumuhay at pagiging maka-Diyos, na hinihintay at pinagmamadali ang pagdating ng araw ng Diyos 2 Peter 3:6–12
119 Bundang P.O.Box, Bundang-gu, Seongnam-si, Gyeonggi-do, Rep. of KOREA
Tel 031-738-5999 Fax 031-738-5998
Head Office: 50, Sunae-ro, Bundang-gu, Seongnam-si, Gyeonggi-do, Rep. of Korea
Main Church: 35, Pangyoyeok-ro, Bundang-gu, Seongnam-si, Gyeonggi-do, Rep. of Korea
ⓒ World Mission Society Church of God. Reserbado ang lahat ng karapatan. Privacy Policy