Ginawa ni Solomon ang lahat ng kanyang nais, ngunit sa huli, sinabi niyang, “Ang lahat ay walang kabuluhan!” At gaya ng kinilala maging ni Dakilang Alexander, pag dumating ang kamatayan, babalik ang isang tao nang walang dala. Kaya hindi tayo dapat na masiyahan sa mga panandaliang kagalakan at kalayawan sa lupang ito, kundi mamuhay para sa walang hanggang kaharian ng langit, nagkakaroon ng takot sa Diyos at sumusunod sa Kanyang mga utos. Ang matalinong pamumuhay ay ang pamumuhay para sa kaligayahan na tatamasahin natin magpakailanman sa kaharian ng langit.
Dapat na gumawa ang sangkatauhan ng mga pagpili upang mamuhay nang tapat sa lupang ito at matanggap ang pagpapala ng Diyos sa langit. Ang mga miyembro ng Church of God ipinagdiriwang ang araw ng Sabbath at pitong taunang kapistahan at niluluwalhati ang Diyos sa mabubuting gawa bilang paghahanda para sa kaharian ng langit at buhay na walang hanggan.
at ang alabok ay bumalik sa lupa na gaya nang una, at ang espiritu ay bumalik sa Diyos na nagbigay nito. Walang kabuluhan ng mga walang kabuluhan, sabi ng Mangangaral; lahat ay walang kabuluhan. Ito ang wakas ng bagay; lahat ay narinig. Matakot ka sa Diyos, at sundin mo ang kanyang mga utos; sapagkat ito ang buong katungkulan ng tao. Ecclesiastes 12:7–8; 13
119 Bundang P.O.Box, Bundang-gu, Seongnam-si, Gyeonggi-do, Rep. of KOREA
Tel 031-738-5999 Fax 031-738-5998
Head Office: 50, Sunae-ro, Bundang-gu, Seongnam-si, Gyeonggi-do, Rep. of Korea
Main Church: 35, Pangyoyeok-ro, Bundang-gu, Seongnam-si, Gyeonggi-do, Rep. of Korea
ⓒ World Mission Society Church of God. Reserbado ang lahat ng karapatan. Privacy Policy