Ang World Mission Society Church of God ay naniniwala kay Ahnsahnghong, ang Cristo na dumating sa ikalawang pagkakataon alinsunod sa mga propesiya ng Biblia.
2,000 taong nakalilipas, nang tinanong ng mga alagad si Jesus tungkol sa tanda ng Kanyang ikalawang pagdating, sinabi Niya sa kanila na pag-aralan ang talinghaga ng puno ng igos.
“Kaya, pag-aralan ninyo mula sa puno ng igos ang kanyang talinghaga: kapag malambot na ang sanga nito at umuusbong na ang mga dahon, alam ninyong malapit na ang tag-araw. Gayundin naman kayo, kapag nakita ninyo ang lahat ng mga bagay na ito, alam ninyong siya’y malapit na, nasa mga pintuan na.” (Matthew 24:30–33).
Sa pamamagitan ng talinghaga ng puno ng igos, ipinaalam ni Jesus ang panahon ng Kanyang ikalawang pagdating. Kung gayon, ano ang kinakatawan ng puno ng igos sa Biblia?
Mula pa sa panahon ng Lumang Tipan, ang puno ng igos ay kumakatawan sa Israel (Jeriah 24:5). Sa panahon ng Bagong Tipan din, hinalintulad ni Jesus ang Israel sa puno ng igos sa Kanyang mga katuruan (Mar. 11:12–14, 20–21). Sa kasaysayan ng Israel na kinakatawan ng puno ng igos, may lihim tungkol sa panahon ng ikalawang pagdating ni Jesus.
Ang ibig sabihin ng “malambot na ang mga sanga ng igos at umuusbong na ang mga dahon” ay nangangahulugang muling mabubuhay ang tuyong puno ng igos. Nangangahulugan ito na ang Israel na minsang nawasak ay maitatatag muli. Gaya ng prinopesiya ni Jesus, ang Israel ay winasak ng Imperyo ng Roma noong A.D. 70, at nagpagala-gala sila sa buong mundo sa loob ng halos 1,900 taon, namumuhay nang walang sariling bansa.
Tinupad ni Cristo Ahnsahnghong ang Propesiya Tungkol sa Talinghaga ng Puno ng Igos
Nang matapos ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig, idineklara ng Israel ang kasarinlan nito at nagtatag ng isang estado sa dating bayang-pinagmulan nitong Palestine.
Sa ibang salita, muling nabuhay ang puno ng igos gaya ng prinopesiya ni Jesus. Sinasabi ng mga mananalaysay na ang kasarinlan ng Israel ay isang himala na hindi matatagpuan saan pa man sa mundo. Gayunman, ito ay hindi lang isang makasaysayang kaganapan. Ito ay isang propetikal na tanda na nagpapahayag sa buong mundo na si Jesus ay darating sa ikalawang pagkakataon gaya ng plinano ng Diyos.
Gaya ng nabuhay muli ang tuyong puno ng igos, muling naitayo ang Israel noong 1948. Sa taóng ito, si Jesus ay darating sa ikalawang pagkakataon at sisimulan ang gawain ng ebanghelyo matapos mabautismuhan. Ibabalik din Niya ang ebanghelyo ng bagong tipan na Kanyang tinatag 2,000 taong nakalilipas. Si Cristo Ahnsahnghong ay si Jesus na dumating sa ikalawang pagkakataon para lubusang tuparin ang mga propesiya ng Biblia.
119 Bundang P.O.Box, Bundang-gu, Seongnam-si, Gyeonggi-do, Rep. of KOREA
Tel 031-738-5999 Fax 031-738-5998
Head Office: 50, Sunae-ro, Bundang-gu, Seongnam-si, Gyeonggi-do, Rep. of Korea
Main Church: 35, Pangyoyeok-ro, Bundang-gu, Seongnam-si, Gyeonggi-do, Rep. of Korea
ⓒ World Mission Society Church of God. Reserbado ang lahat ng karapatan. Privacy Policy