Halos 2,000 taong nakalipas, kinumpara ni Jesus
ang dasal ng isang Fariseo sa dasal ng isang
maniningil ng buwis. Nagturo din Siya na ang
ibinababa ang sarili ay tatanggap ng kaligtasan at biyaya.
Laging sinusubukan ng mga miyembro ng Church of God na lapitan
ang Diyos nang may mapagkumbabang saloobin gaya ng
maniningil ng buwis ayon sa mga katuruan ng Diyos.
Pinaglilingkuran din nila ang isa’t isa, hindi inalintana ang
titulo, posisyon, at edad.
Pag nangangaral tayo nang may mapagkumbabang puso,
inuunawa na mga makasalanan tayo, at pag ibinababa
ang mga sarili nang walang pagmamataas, binibigyan tayo
ng Diyos ng bunga. Sa ibang salita, ang kapakumbabaan
ay gaya ng isang espirituwal na magnet na humihila sa
maraming bunga.
“Sapagkat ang bawat nagmamataas
sa kanyang sarili ay ibababa,
ngunit ang nagpapakababa
sa kanyang sarili ay itataas.”
Luke 18:14
119 Bundang P.O.Box, Bundang-gu, Seongnam-si, Gyeonggi-do, Rep. of KOREA
Tel 031-738-5999 Fax 031-738-5998
Head Office: 50, Sunae-ro, Bundang-gu, Seongnam-si, Gyeonggi-do, Rep. of Korea
Main Church: 35, Pangyoyeok-ro, Bundang-gu, Seongnam-si, Gyeonggi-do, Rep. of Korea
ⓒ World Mission Society Church of God. Reserbado ang lahat ng karapatan. Privacy Policy