Sa pamamagitan ng pagsunod sa salita ng Diyos, malalaman natin kung gaano kabuti ang pananampalataya natin.
Habang tumatagal tayo sa katotohanan, dapat na maging mas malalim ang ating pagsunod at pananampalataya.
Gayunman, kung gagawin natin ating sariling kalooban gaya ng ginawa ni Haring Saul, babawiin ng Diyos ang lahat ng biyayang ipinagkaloob Niya sa atin.
Si Cristo Ahnsahnghong, na dumating bilang Tagapagligtas sa Panahon ng Espiritu Santo, ay nakinita ang lahat ng bagay mula sa pasimula hanggang sa katapusan ng panahon, at isinagawa Niya ang gawain ng kaligtasan para sa buong sangkatauhan.
Kaya ang mga miyembro ng Church of God ay naniniwala sa Kanyang mga salita at sumusunod sa mga ito sa lahat ng sitwasyon gaya nina Abraham at Gideon.
“Tiyak, ang pagsunod ay mas mabuti kaysa alay, at ang pakikinig kaysa taba ng mga tupang lalaki.
Sapagkat ang paghihimagsik ay gaya ng kasalanan ng pangkukulam, at ang katigasan ng ulo ay gaya ng katampalasanan at pagsamba sa mga diyus-diyosan.
Sapagkat itinakuwil mo ang salita ng PANGINOON, itinakuwil ka rin niya sa pagiging hari.”
1 Samuel 15:22–23
119 Bundang P.O.Box, Bundang-gu, Seongnam-si, Gyeonggi-do, Rep. of KOREA
Tel 031-738-5999 Fax 031-738-5998
Head Office: 50, Sunae-ro, Bundang-gu, Seongnam-si, Gyeonggi-do, Rep. of Korea
Main Church: 35, Pangyoyeok-ro, Bundang-gu, Seongnam-si, Gyeonggi-do, Rep. of Korea
ⓒ World Mission Society Church of God. Reserbado ang lahat ng karapatan. Privacy Policy