Kung maghahasik tayo ng mabuti, tiyak na mag-aani tayo ng mabubuting resulta, at kung maghahasik tayo ng masama, mag-aani tayo ng masasamang resulta.
Dapat nating alalahanin ang kasaysayan kung saan ang mga Israelita, na nagreklamo sa disyerto nang apatnapung taon, ay nawasak, at ang batang si David at sina Shadrac, Meshac, at Abednego ay labis na pinagpala ng Diyos sa paghahandog ng kagalakan sa pamamagitan ng kanilang mga salita ng pananampalataya na punô ng biyaya.
Alinsunod sa mga katuruan ni Cristo Ahnsahnghong at ng Diyos Ina, ang mga miyembro ng Church of God ay laging nagbibigay ng kaginhawahan at suporta sa pamamagitan ng mabubuting gawa at ng mabubuting salita sa tahanan, sa Simbahan, at sa lipunan.
Ngayon, masigla silang naglalakad para ibahagi ang masayang balita ng kaligtasan ng Diyos sa mga napapagod na sa mabigat na buhay, ipinapahayag na, “May kaharian ng langit kung saan wala nang kamatayan, o pagdurusa man, o kirot.”
“Ang mabuting tao ay naglalabas ng mabubuting bagay mula sa kanyang mabuting kayamanan, at ang masamang tao ay naglalabas ng masasamang bagay mula sa kanyang masamang kayamanan. Subalit sinasabi ko sa inyo, na sa araw ng paghuhukom ay pananagutan ng mga tao ang bawat salita na binigkas na walang ingat. Sapagkat sa pamamagitan ng iyong mga salita ay pawawalang-sala ka at sa pamamagitan ng iyong salita ay mahahatulan ka.”
Matthew 12:35–37
119 Bundang P.O.Box, Bundang-gu, Seongnam-si, Gyeonggi-do, Rep. of KOREA
Tel 031-738-5999 Fax 031-738-5998
Head Office: 50, Sunae-ro, Bundang-gu, Seongnam-si, Gyeonggi-do, Rep. of Korea
Main Church: 35, Pangyoyeok-ro, Bundang-gu, Seongnam-si, Gyeonggi-do, Rep. of Korea
ⓒ World Mission Society Church of God. Reserbado ang lahat ng karapatan. Privacy Policy