Sa ating pang-araw-araw na buhay, praktikal nating ginagamit ang petrolyo at ang mga produktong mula rito.
Ang tela, ang mga mobile phone, ang mga produktong yari sa plastik, at ang aspalto para sa paggawa ng mga kalsada ay pawang mga produktong mula sa petrolyo.
Ang petrolyo ay ginagamit upang gumawa ng di-mabilang na produkto.
Kaya may titulo ito na “itim na ginto” — maiintindihan natin kung gaano kahalaga ang petrolyo para sa ating buhay.
Bago ang industriya sa huling bahagi ng ika-19 na siglo, hindi alam ng mga tao ang halaga ng petrolyo kaya ginamit nila ito bilang alternatibo pag naubos ang langis ng balyena o kahoy na panggatong.
Pero ngayon, ginagamit ito mula sa aspirin hanggang sa mga zipper.
Ang katotohanan na gumaganap ang petrolyo ng mahalagang tungkulin sa mga tao sa modernong lipunan ay kawangis ang ginagawa ng bagong tipan sa bayan ng Diyos.
Ang mga hindi nakakaalam sa halaga ng bagong tipan ay nagbigay-pakahulugan sa Biblia nang sa sarili nila at nagtatag ng mga utos ng mga tao gaya ng Linggong pagsamba at Pasko.
Gayunman, ayon sa propesiya na, “Ako ang PANGINOON, ito ay mabilis Kong gagawin sa kapanahunan nito,” tinatag ni Cristo Ahnsahnghong ang Sabbath, ang Paskuwa, at ang pitong kapistahan sa tatlong panahon.
Sa pamamagitan ng bagong tipan, ang bayan ng Diyos ay maaaring maging mga anak ng Diyos at tumanggap ng kaligtasan.
Hinayaan ng Diyos na maging mga anak ng Diyos at maligtas ang mga nakakaalam ng halaga ng bagong tipan at sumusunod dito.
Nais kong magbigay ng walang hanggang pasasalamat sa Makalangit na Ama para sa pagpapaalam sa atin ng halaga ng bagong tipan at pagtatatag ng bagong tipan, ang ating Makalangit na Ina, para sa atin.
Umaasa ako na ang kaluwalhatian ng ating Makalangit na Ama at Ina ay maibubunyag sa buong mundo.
119 Bundang P.O.Box, Bundang-gu, Seongnam-si, Gyeonggi-do, Rep. of KOREA
Tel 031-738-5999 Fax 031-738-5998
Head Office: 50, Sunae-ro, Bundang-gu, Seongnam-si, Gyeonggi-do, Rep. of Korea
Main Church: 35, Pangyoyeok-ro, Bundang-gu, Seongnam-si, Gyeonggi-do, Rep. of Korea
ⓒ World Mission Society Church of God. Reserbado ang lahat ng karapatan. Privacy Policy