Saan man tayo isilang sa mundong ito, ang lahat ng kapaligiran natin at ang lahat ng ating tradisyon ay naitatanim sa atin sa paglaki natin.Madalas na pag nagtatanong ang mga tao ng, “Bakit natin ito ginagawa?” ang sagot ay karaniwang, “Hindi ko alam. Ito ang lagi kong ginagawa.” Sa ganitong paraan, ang mga tradisyon na pinanghahawakan ng mga tao mula pagkabata ay patuloy na nananatili sa kanila pag umabot sila sa hustong gulang. Pero paano naman ang isang bagay na napakasensitibo at napakahalaga gaya ng pananampalataya ng isang tao kung saan niya tinutukoy ang kanyang espirituwal na pagkakakilanlan?
Dapat ba nating hayaan ang tradisyon ng mga nauna sa atin na magdikta sa ating espirituwal na pormasyon, kalusugan, at tadhana nang hindi isinasaalang-alang ang pinagmulan nito?
Pag tumingin tayo sa paligid, ang Kristiyanismo at ang mga doktrina nito ay lumago nang nakasentro sa mga katuruan at mga tradisyon na napakalayo sa mga katuruan ng Biblia. Sa kasamaang palad, ang pagbabagong ito ay nagsimulang maganap nang mga kalagitnaan ng ikalawang siglo hanggang sa kalagitnaan ng ikaapat na siglo nang ginamit ng Papacy ang awtoridad nito sa lahat ng simbahan at muling hinubog ang Kristiyanismo upang sumunod ito sa mga tradisyon ng diyos-diyosang Araw ng Roma sa pangalan ni Jesus. Pag titingnan natin ang kasaysayan, sa katunayan, ang Linggong pagsamba ay isang kautusan na idineklara sa Roma noong 321 A.D. upang sumamba sa Araw. Gayundin, ang Disyembre 25 na nagmula sa kapanganakan ni Mithra, ang diyos-diyosang Araw ng Persia, ay kinukop ng Kristiyanismo mula 354 A.D., mahigit 300 taon matapos umakyat si Jesus sa langit.
Kung gayon, kung ang buong mundo ay sumasamba sa Diyos nang walang kabuluhan sa pamamagitan ng mga tradisyon at mga paggunita na gawa ng tao, kanino ibibigay ng Diyos ang kaligtasan? Kaya napakahalagang maunawaan na ang Ikalawang Pagdating na Cristo ay dumating na alinsunod sa lahat ng propesiya ng Biblia. At ibinalik Niya ang mga katuruan ng Diyos sa panahon natin.
Sa Micah 4:1–2, nasusulat, “At nangyari sa mga huling araw, ang bundok ng bahay ng PANGINOON ay itatatag bilang pinakamataas sa mga bundog … at ang mga tao’y magpupuntahan doon … ‘upang maituro niya sa atin ang kanyang mga daan.’ ”
Sinasabi na sa mga huling araw, ang lahat ng bansa ay darating sa Zion upang maturuan ng Diyos at makalakad sa Kanyang mga landas. Kung gayon, sa lahat ng simbahan sa mundo, alin ang tanging Simbahang naturuan ng Ikalawang Pagdating na Cristo at sumusunod sa lahat ng utos ng Diyos gaya ng araw ng Sabbath, Paskuwa, at regulasyon ng belo? Tanging ang World Mission Society Church of God. Pakiusap, talikuran ang tradisyon ng tao at tanggapin ang kaligtasan ng ating mga kaluluwa nang may tunay na pananampalataya na humahawak sa mga utos ng Diyos.
119 Bundang P.O.Box, Bundang-gu, Seongnam-si, Gyeonggi-do, Rep. of KOREA
Tel 031-738-5999 Fax 031-738-5998
Head Office: 50, Sunae-ro, Bundang-gu, Seongnam-si, Gyeonggi-do, Rep. of Korea
Main Church: 35, Pangyoyeok-ro, Bundang-gu, Seongnam-si, Gyeonggi-do, Rep. of Korea
ⓒ World Mission Society Church of God. Reserbado ang lahat ng karapatan. Privacy Policy