Ang Kapistahan ng mga Trumpeta ay isang kapistahan
na humihikayat sa pagsisisi sa paghihip ng mga trumpeta
sampung araw bago ang Araw ng Pagtubos.
Ang buhay bago ang pagsisisi ay isang buhay na namamantsahan ng kasalanan,
pero ang buhay pagkatapos ng pagsisisi ay isang pinagpalang buhay
na umaakay sa atin sa buhay na walang hanggan.
Pag nagsisi tayo, magiging makabuluhan ang ating buhay
na para bang namumuhay tayo nang isang libong taon
kahit na namumuhay lang tayo nang isang araw
at magiging maluwalhati tayo gaya ng isang lalaki
na patay na pero muling nabuhay.
Kaya ang unang sinabi ni Jesus ay “Magsisi kayo!”
1. Ipinapaliwanag ng talinghaga ng alibughang anak
ang kahalagahan ng buhay pagkatapos magsisi
2. Isinapamuhay ni Jonas ang isang makabuluhang buhay
na nagliligtas ng 120,000 katao pagkatapos magsisi
“Kaya nga magsisi kayo at magbalik-loob
upang mapawi ang inyong mga kasalanan,
upang ang mga panahon ng kaginhawahan ay
dumating mula sa harapan ng Panginoon”
Acts 3:19–20
Subalit ngayong pinalaya na kayo sa kasalanan …
na nagbubunga naman ng kabanalan,
ang kahihinatnan ay buhay na walang hanggan.
Romans 6:22
119 Bundang P.O.Box, Bundang-gu, Seongnam-si, Gyeonggi-do, Rep. of KOREA
Tel 031-738-5999 Fax 031-738-5998
Head Office: 50, Sunae-ro, Bundang-gu, Seongnam-si, Gyeonggi-do, Rep. of Korea
Main Church: 35, Pangyoyeok-ro, Bundang-gu, Seongnam-si, Gyeonggi-do, Rep. of Korea
ⓒ World Mission Society Church of God. Reserbado ang lahat ng karapatan. Privacy Policy