Prinopesiya ng Biblia na pag ang sangkatauhan ay nahugasan mula sa lahat ng dating kasalanan at makasalanang kalikasan sa pamamagitan ng bautismo at naipanganak na muli sa pamamagitan ng matutuwid na gawa, sila ay magiging magandang pinong lino ng Makalangit na Ina, ang Babaing ikakasal, at magtatamasa ng walang hanggang kaluwalhatian bilang maharlikang pagkapari sa kaharian ng langit.
Para maging maharlikang pagkapari sa langit, dapat na tanggapin ng isang tao ang mga katuruan ng Diyos sa pamamagitan ng Biblia. Ang mga miyembro ng Church of God ay hindi lang nangingilin ng Sabbath at ng Paskuwa, kundi iniuukit din sa kanilang mga puso ang mga katuruan ni Cristo Ahnsahnghong na nagsabing, “Magkaisa kayo, magmahalan sa isa’t isa, at magbihis ng bagong pagkatao,” at isinasagawa ang mga ito, hinahayag ang kaluwalhatian ng Diyos sa buong mundo sa pamamagitan ng mabubuting gawa.
Tayo’y magalak at tayo’y magpakasaya at ibigay natin sa kanya ang kaluwalhatian, sapagkat dumating na ang kasal ng Kordero, at inihanda na ng kanyang magiging asawa ang kanyang sarili. At sa kanya’y ipinagkaloob na magsuot ng pinong lino, makintab at malinis;” sapagkat ang pinong lino ay ang matutuwid na gawa ng mga banal. Revelation 19:7–8
“Sapagkat sinasabi ko sa inyo, malibang humigit ang inyong katuwiran sa katuwiran ng mga eskriba at mga Fariseo, ay hindi kayo makakapasok sa kaharian ng langit.” Matthew 5:20
119 Bundang P.O.Box, Bundang-gu, Seongnam-si, Gyeonggi-do, Rep. of KOREA
Tel 031-738-5999 Fax 031-738-5998
Head Office: 50, Sunae-ro, Bundang-gu, Seongnam-si, Gyeonggi-do, Rep. of Korea
Main Church: 35, Pangyoyeok-ro, Bundang-gu, Seongnam-si, Gyeonggi-do, Rep. of Korea
ⓒ World Mission Society Church of God. Reserbado ang lahat ng karapatan. Privacy Policy