Isang Diyos Ama ang gumanap ng papel ng Ama na may pangalang Jehovah sa Panahon ng Ama;
sa Panahon ng Anak, dumating Siya na may pangalang Jesus at nagpakita ng halimbawa para sa sangkatauhan bilang ang Anak;
sa Panahon ng Espiritu Santo, dumating Siya sa ikalawang pagkakataon na may pangalang Cristo Ahnsahnghong.
Ito ang ibig sabihin ng Trinity.
Ang mga nakakaintindi sa Trinity ay maaaring maniwala at makaunawa na ang ginawa ng Diyos Jehovah ay ginawa ni Jesus at na ang ginawa ni Jesus ay ginawa ng Bagong Pangalang Cristo Ahnsahnghong.
Maiintindihan din nila na sa Panahon ng Espiritu Santo, dapat na dumating si Cristo Ahnsahnghong kasama ang Diyos Ina, ang Babaing ikakasal ng Espiritu Santo, at mag-akay sa sangkatauhan tungo sa kaligtasan sa pamamagitan ng Paskuwa ng bagong tipan.
“Ako, ako ang PANGINOON, at liban sa akin ay walang tagapagligtas.”
Isaiah 43:11
“Itong si Jesus … Walang kaligtasan sa kanino pa man, sapagkat walang ibang pangalan sa ilalim ng langit na ibinigay sa mga tao na ating ikaliligtas.”
Acts 4:11–12
119 Bundang P.O.Box, Bundang-gu, Seongnam-si, Gyeonggi-do, Rep. of KOREA
Tel 031-738-5999 Fax 031-738-5998
Head Office: 50, Sunae-ro, Bundang-gu, Seongnam-si, Gyeonggi-do, Rep. of Korea
Main Church: 35, Pangyoyeok-ro, Bundang-gu, Seongnam-si, Gyeonggi-do, Rep. of Korea
ⓒ World Mission Society Church of God. Reserbado ang lahat ng karapatan. Privacy Policy