Sinabi ng Diyos sa mga unang tao na sina Adan at Eva,
“Mula sa punungkahoy ng pagkakilala ng mabuti at masama
ay huwag kang kakain; sapagkat sa araw na ikaw ay
kumain niyon ay tiyak na mamamatay ka.”
Gayunman, tinukso ng ahas sina Adan at Eva at kumain sila
mula sa ipinagbawal na puno. Bilang resulta, pinalayas sila
mula sa Halamanan ng Eden at namatay.
Sa araw ng Paskuwa, inihayag ni Jesus ang bagong tipan
kung saan makakain natin ang Kanyang laman at dugo
at makakatanggap ng buhay na walang hanggan.
Ipinaalam sa atin mismo ni Jesus na
Siya mismo ang puno ng buhay sa Eden.
Ang mahalagang Paskuwa na ito ay inalis noong A.D. 325
at hindi ipinangilin sa loob ng halos 1,600 taon.
Ngayon, gayunman, naibalik na ang Paskuwa,
at muling nabuksan ang daan tungo sa puno ng buhay.
Si Cristo Ahnsahnghong na dumating
sa ikalawang pagkakataon ayon sa propesiya,
ay binuksan ang daan tungo sa puno ng buhay na
hindi ipinangilin sa loob ng mahabang panahon.
At sa bundok na ito ay gagawa ang PANGINOON
ng mga hukbo sa lahat ng mga bayan ng isang
kapistahan ng matatabang bagay, ng isang kapistahan
ng mga nilumang alak … Lulunukin niya ang kamatayan
magpakailanman … At sasabihin sa araw na iyon,
“Ito’y ating Diyos . . .”
Isaiah 25: 6–9
119 Bundang P.O.Box, Bundang-gu, Seongnam-si, Gyeonggi-do, Rep. of KOREA
Tel 031-738-5999 Fax 031-738-5998
Head Office: 50, Sunae-ro, Bundang-gu, Seongnam-si, Gyeonggi-do, Rep. of Korea
Main Church: 35, Pangyoyeok-ro, Bundang-gu, Seongnam-si, Gyeonggi-do, Rep. of Korea
ⓒ World Mission Society Church of God. Reserbado ang lahat ng karapatan. Privacy Policy