Nagbigay ang Diyos sa buong sangkatauhan ng oras para magsisi sa kanilang mga kasalanang nagawa sa langit at pati ng pagkakataon na maniwala kay Cristo Ahnsahnghong at sa Diyos Ina — na kapwa dumating sa laman — at na maligtas. Pagkatapos nito, ayon sa mga gawa ng bawat tao, paghihiwalayin ng Diyos ang mga pupunta sa langit at ang mga hahatulan.
Kabilang sa mga hahatulan, may mga tao na gaya ni Judas Iscariote na nagkanulo kay Jesus sa pamamagitan ng kanyang maling paghatol, at mga bulaang propeta na gaya ni Balaam na nag-akay sa bayan ng Diyos sa pagsamba sa mga diyos-diyosan gamit ang kanyang masamang payo, at mga tao rin na nagwasak sa katotohanan ng Diyos at sumamba sa diyos-diyosang Araw sa pamamagitan ng mga regulasyon gaya ng Linggong pagsamba at Pasko, gaya ng kinuha nina Haring Ahab at Jezebel ang ubasan ni Nabat.
“Ang mga babaing ito, dahil sa payo ni Balaam, ang naging dahilan upang ang mga anak ni Israel ay magtaksil sa PANGINOON sa nangyari sa Peor, kaya’t nagkasalot sa kapulungan ng PANGINOON.”
Numbers 31:16
“Subalit mayroon akong ilang bagay na laban sa iyo: sapagkat mayroon ka diyang ilan na sumusunod sa aral ni Balaam, na siyang nagturo kay Balak na maglagay ng katitisuran sa harapan ng mga anak ni Israel, upang kumain sila ng mga bagay na inihandog sa mga diyus-diyosan at upang makiapid.”
Revelation 2:14
119 Bundang P.O.Box, Bundang-gu, Seongnam-si, Gyeonggi-do, Rep. of KOREA
Tel 031-738-5999 Fax 031-738-5998
Head Office: 50, Sunae-ro, Bundang-gu, Seongnam-si, Gyeonggi-do, Rep. of Korea
Main Church: 35, Pangyoyeok-ro, Bundang-gu, Seongnam-si, Gyeonggi-do, Rep. of Korea
ⓒ World Mission Society Church of God. Reserbado ang lahat ng karapatan. Privacy Policy