Matapat na sinunod nina Haring Asa at Haring Jehoshafat ang mga tuntunin at kautusan ng Diyos, winasak ang mga diyos-diyosan, at pinamunuan ang bayan nang may pananalig na magiging mabuti ang lahat basta’t nasa panig nila ang Diyos. Dahil dito, binigyan sila ng Diyos ng kapayapaan, at pinagkalooban ng nag-uumapaw na pagpapala at luwalhati.
Sa pamamagitan ng kasaysayang nakatala sa Biblia, ipinakita ng Diyos sa sangkatauhan ang landas patungo sa pagtanggap ng Kanyang mga pagpapala. Wag nating gawin ang kasalanan ng paghingi ng tulong sa makapangyarihang mga bansa sa halip na hanapin ang Diyos, gaya ng ginawa ni Asa. Wag din tayong makisama sa mga gumagawa ng masama o makipagtulungan sa kanila, gaya ng ginawa ni Jehoshafat. Ito ay dahil pag kinalimutan natin ang Diyos at nagtiwala sa mga tao at sitwasyon sa ating paligid, binabawi Niya ang Kanyang mga pagpapala.
Sila’y nagtipon sa Jerusalem sa ikatlong buwan ng ikalabinlimang taon ng paghahari ni Asa. Sila’y naghandog sa PANGINOON nang araw na iyon, mula sa samsam na kanilang dinala, pitong daang baka at pitong libong tupa. At sila’y nakipagtipan upang hanapin ang PANGINOON, ang Diyos ng kanilang mga ninuno, ng kanilang buong puso at kaluluwa. Ikinagalak ng buong Juda ang panata, sapagkat sila’y namanata ng kanilang buong puso, at hinanap siya ng buo nilang hangarin. At siya’y natagpuan nila at binigyan sila ng PANGINOON ng kapahingahan sa palibot. 2 Chronicles 15:10–15
119 Bundang P.O.Box, Bundang-gu, Seongnam-si, Gyeonggi-do, Rep. of KOREA
Tel 031-738-5999 Fax 031-738-5998
Head Office: 50, Sunae-ro, Bundang-gu, Seongnam-si, Gyeonggi-do, Rep. of Korea
Main Church: 35, Pangyoyeok-ro, Bundang-gu, Seongnam-si, Gyeonggi-do, Rep. of Korea
ⓒ World Mission Society Church of God. Reserbado ang lahat ng karapatan. Privacy Policy