Si Ahnsahnghong ay ang Cristo na dumating sa ikalawang pagkakataon ay nabautismuhan sa edad na 30 taong gulang noong 1948 at sinimulan ang Kanyang buhay sa ebanghelyo para isinikat ang liwanag ng katotohanan, alinsunod sa propesiya ni Haring David. Pumarito Siya sa lupa bilang isang tao upang iligtas ang sangkatauhan, at namuhay Siya nang punô ng pasakit at pagdurusa, hindi ng kaluwalhatian at karangalan.
Dahil isinilang Siya noong 1918, kinailangan Niyang dumaan sa panahon ng pagsasamantala at pang-aapi noong panahon ng pananakop ng mga Hapon. Nang sinimulan ni Cristo Ahnsahnghong ang Kanyang ministeryo, ang Republika ng Korea ay nasa isang tigang at nagwawasak na kalagayan sa espirituwal. Sa pisikal din, ang kapaligiran noon ay napakahirap. Sa panahong iyon, ang Republika ng Korea, na kakalaya pa lang mula sa imperyalismo ng Japan, ay hinamak at naging pinakamahirap na bansa sa mundo pagkatapos ng Digmaang Koreano na sumiklab noong 1950, at ang lahat ng tao ay dumanas ng matinding paghihirap sa buhay.
Gaya ng ginawa ni Cristo Jesus 2,000 taong nakalilipas, si Cristo Ahnsahnghong ay sumunod sa kautusan ng buhay at nangaral ng ebanghelyo, ginagawa ang lahat ng mahirap na trabaho, kahit na Siya ay hinamak at pinahiya.
Sa mga araw na iyon kung kailan maraming tao ang nahirapang maghanapbuhay at dumanas ng gutom, kinailangan magtrabaho ni Cristo Ahnsahnghong bilang mason na iniiwasan ng mga tao, para magpakita ng halimbawa ng pagsunod sa mga utos ng Diyos kabilang ang araw ng Sabbath. Ang mahirap na gawaing ito ay naging dahilan para magkaroon Siya ng mga kalyo na kasinlaki ng kamao sa Kanyang leeg. Ginamit niya ang sahod na kinita Niya mula sa labis na pagtatrabaho para sa gastusin sa pangangaral at para sa pagsusulat ng mga aklat na magbubunyag sa katotohanan ng buhay. Kaya madalas Niyang tinutugunan ang Kanyang gutom ng lugaw na sebada o nagpapalipas ng gutom. Pagkatapos ng napakahirap na araw, magdamag Niyang isinusulat ang mga aklat para sa kaligtasan ng buong sangkatauhan, at ibinalik ang katotohanan ng bagong tipan sa pamamagitan ng maraming araw ng pag-aayuno at pagpapakasakit.
Prinopesiya ni Cristo Ahnsahnghong ang tungkol sa Kanyang kamatayan sa pamamagitan ng media apat na taon bago Niya tapusin ang Kanyang buhay bilang tao sa lupa, at ipinagkatiwala ang Simbahan sa Kanyang mga alagad. Ang World Mission Society Church of God ay sumusunod sa katotohanan ng bagong tipan at nangangaral ng balita ng kaligtasan sa 7.8 bilyong katao sa buong mundo, sinusunod ang halimbawa ni Cristo Ahnsahnghong.
119 Bundang P.O.Box, Bundang-gu, Seongnam-si, Gyeonggi-do, Rep. of KOREA
Tel 031-738-5999 Fax 031-738-5998
Head Office: 50, Sunae-ro, Bundang-gu, Seongnam-si, Gyeonggi-do, Rep. of Korea
Main Church: 35, Pangyoyeok-ro, Bundang-gu, Seongnam-si, Gyeonggi-do, Rep. of Korea
ⓒ World Mission Society Church of God. Reserbado ang lahat ng karapatan. Privacy Policy