Ito ay sa Paskuwa na tinatag ng Diyos sa pagbubuhos ng Kanyang dugo sa krus para sa kaligtasan ng sangkatauhan. Ang Paskuwa, ang katotohanan ng buhay, ay ipinagdiwang ng mga banal ng sinaunang Simbahan hanggang sa huli, kahit habang dumaranas ng matinding pang-uusig, nagiging pagkain para sa mga leon at mga taong kandila. Gayunman, pagkatapos ng Panahon ng mga Apostol, naalis ang Paskuwa noong A.D. 325 alinsunod sa pagpipilit ng Kanluraning Simbahan sa pamamagitan ng iba’t ibang mga Kontrobersiya ng Pascha.
Ngayon, banal na ipinagdiriwang ng Church of God ang Paskuwa gaya ng ginawa ng sinaunang Simbahan, hindi gaya ng ibang mga simbahan sa mundo. Ito ay dahil ang Church of God ay matatag na naniniwala na ang mga katuruan ni Cristo Ahnsahnghong at ng Diyos Ina, na dumating para sa ating kaligtasan, ay ang katotohanan ng buhay na nagliligtas sa sangkatauhan mula sa mga sakuna.
“Kami,” sabi niya, “samakatuwid, ay nangingilin ng tunay na araw; hindi nagdaragdag o nag-aalis mula rito … Lahat ng taong ito ay nangilin ng ikalabing-apat na araw ng Paskuwa ayon sa ebanghelyo, lumilihis sa di-paggalang, ngunit sumusunod sa panuntunan ng pananampalataya. Dagdag pa rito, ako, si Polycrates, na pinakamababa sa inyo, ayon sa tradisyon ng mga kamag-anak ko, ang ilan na sinunod ko.”
119 Bundang P.O.Box, Bundang-gu, Seongnam-si, Gyeonggi-do, Rep. of KOREA
Tel 031-738-5999 Fax 031-738-5998
Head Office: 50, Sunae-ro, Bundang-gu, Seongnam-si, Gyeonggi-do, Rep. of Korea
Main Church: 35, Pangyoyeok-ro, Bundang-gu, Seongnam-si, Gyeonggi-do, Rep. of Korea
ⓒ World Mission Society Church of God. Reserbado ang lahat ng karapatan. Privacy Policy