Tinalaga ng Diyos ang araw ng pagbaba ni Moises kung kailan niya natanggap ang Sampung Utos sa ikalawang pagkakataon bilang ang Araw ng Pagtubos, at ang Kapistahan ng mga Tabernakulo ay ang kapistahan kung kailan tinayo ng mga Israelita ang tabernakulo para ilagay roon ang mga tapyas na bato ng Sampung Utos.
Gaya ng nakikita 3,500 taong nakalilipas, ang pinakamahalagang aspeto ng pagtatayo ng templo ng Diyos ay ang pagkakaroon ng espiritu na kinilos para sumali at ang pagiging handa na makibahagi.
Ang mga ganitong tao ay naghandog ng saganang materyales para sa pagtatayo ng templo.
Ngayon, ang buong mundo ay nagpupuntahan kay Cristo Ahnsahnghong at sa Makalangit na Inang Jerusalem dahil ang bayan ng Diyos ay kumakatawan sa iba’t ibang mga materyales na bumubuo sa Templo ng Jerusalem.
May isang propesiya na, gaya ng tinipon ang iba’t ibang mga sanga para sa Kapistahan ng mga Tabernakulo sa Lumang Tipan, ang bayan ng Diyos ay magtipon-tipon lahat sa Jerusalem.
At sila’y dumating, ang lahat ng taong napukaw ang kalooban, at lahat ng pinakilos ng kanyang espiritu at nagdala ng handog sa PANGINOON upang gamitin sa toldang tipanan, at para sa lahat ng paglilingkod doon at para sa mga banal na kasuotan. Kaya’t sila’y naparoon, mga lalaki at mga babae, ang lahat na mayroong kusang loob
Exodus 35:21–22
na itinayo sa saligang inilagay ng mga apostol at ng mga propeta, na si Cristo Jesus ang batong panulok. Sa kanya ang buong gusali ay nakalapat na mabuti at lumalaki tungo sa pagiging isang banal na templo sa Panginoon; na sa kanya kayo rin ay magkasamang itinatayo upang maging tahanan ng Diyos sa Espiritu.
Ephesians 2:20–22
119 Bundang P.O.Box, Bundang-gu, Seongnam-si, Gyeonggi-do, Rep. of KOREA
Tel 031-738-5999 Fax 031-738-5998
Head Office: 50, Sunae-ro, Bundang-gu, Seongnam-si, Gyeonggi-do, Rep. of Korea
Main Church: 35, Pangyoyeok-ro, Bundang-gu, Seongnam-si, Gyeonggi-do, Rep. of Korea
ⓒ World Mission Society Church of God. Reserbado ang lahat ng karapatan. Privacy Policy