Inuutusan ng Diyos ang Kanyang mga anak na ibahagi ang samyo ng Diyos Ina sa isa’t isa. Nababalisa ang isang bagong silang na sanggol pag hindi niya naririnig ang tinig ng kanyang ina ni naaamoy ang amoy ng kanyang ina. Sa parehong paraan, ang ating mga kaluluwa ay hindi kailanman makakapunta sa kaharian ng langit kung lilisanin natin ang Diyos Ina.
Ang “samyo ni Ina” ay tumutukoy sa puso ng pagmamahalan sa isa’t isa, pagiging matiisin, hindi pagiging mapagmataas, pagsasaalang-alang sa iba, pakikiisa sa isa’t isa, at pagbibigay-galang sa mga kapatid nang may mapagpakumbabang pag-iisip. Sa pamamagitan ng Kapistahan ng mga Tabernakulo, naunawaan ng mga anak ang pag-ibig ni Ina na nagsasakripisyo para sa kaligtasan ng sangkatauhan. Sa kanila, gumawa si Cristo Ahnsahnghong ng himala na napakaraming kaluluwa ang bumalik sa Zion.
Sapagkat kayo, mga kapatid, ay tinawag sa kalayaan; subalit huwag lamang ninyong gagamitin ang inyong kalayaan bilang isang kadahilanan para sa laman, kundi sa pamamagitan ng pag-ibig ay maging alipin kayo ng isa’t isa.
Galatians 5:13
119 Bundang P.O.Box, Bundang-gu, Seongnam-si, Gyeonggi-do, Rep. of KOREA
Tel 031-738-5999 Fax 031-738-5998
Head Office: 50, Sunae-ro, Bundang-gu, Seongnam-si, Gyeonggi-do, Rep. of Korea
Main Church: 35, Pangyoyeok-ro, Bundang-gu, Seongnam-si, Gyeonggi-do, Rep. of Korea
ⓒ World Mission Society Church of God. Reserbado ang lahat ng karapatan. Privacy Policy