Ipinagmamalaki ng mga anak ang kanilang mga nakamit na tagumpay at naghahanap ng mga gantimpala mula sa kanilang mga magulang, pero ang mga magulang, sa kabila ng paglalaan ng kanilang buhay para sa kanilang mga anak, ay hindi umaasa sa ano mang kapalit at sa halip ay nagnanais na magbigay ng higit pa.
Dapat nating kilalanin ang dedikasyon at sakripisyo ng ating mga pisikal na magulang at pati ng ating mga espirituwal na Magulang at isagawa ang pagbibigay ng pag-ibig.
Ang sakripisyo sa krus ay hindi ang tanging sakripisyong ginawa ng Makalangit na Ama at Ina.
Napakadakila at napakalalim ng Kanilang biyaya na maipapahayag ito sa pamamagitan ng mga pagkamatay ng mga hayop na iniaalay sa lahat ng kapistahan ng Lumang Tipan.
Nang may ganitong kalalim na sakripisyo at pag-ibig, ang Ikalawang Pagdating na Cristo Ahnsahnghong at ang Diyos Ina ay dumating sa lupang ito para hanapin ang Kanilang mga nawawalang makalangit na anak.
“Sinasabi ko sa inyo, magkakaroon ng higit na kagalakan sa langit dahil sa isang makasalanang nagsisisi, kaysa siyamnapu’t siyam na taong matutuwid na hindi nangangailangan ng pagsisisi.”
Luke 15:7
119 Bundang P.O.Box, Bundang-gu, Seongnam-si, Gyeonggi-do, Rep. of KOREA
Tel 031-738-5999 Fax 031-738-5998
Head Office: 50, Sunae-ro, Bundang-gu, Seongnam-si, Gyeonggi-do, Rep. of Korea
Main Church: 35, Pangyoyeok-ro, Bundang-gu, Seongnam-si, Gyeonggi-do, Rep. of Korea
ⓒ World Mission Society Church of God. Reserbado ang lahat ng karapatan. Privacy Policy