Ang Biblia ay nagpapatotoo na ang mga makalangit na anghel ay naipatapon pababa sa lupang ito dahil natukso sila ni Satanas at nagkasala sa langit — ito ang kuwento ng sangkatauhan.
Si Cristo Ahnsahnghong at ang Diyos Ina ay kapwa pumarito sa lupa at nagtatag ng Paskuwa ng bagong tipan para ibigay ang kapatawaran ng mga kasalanan sa sangkatauhan upang makakabalik sila sa kanilang espirituwal na tahanan, ang walang hanggang kaharian ng langit.
Gaya ng ang mga miyembro ng makalupang pamilya ay nagkakaroon ng kaugnayan sa isa’t isa sa pamamagitan ng dugo, ang mga miyembro ng makalangit na pamilya ay nagkakaroon din ng kaugnayan sa isa’t isa sa pamamagitan ng dugo.
Para maging mga miyembro ng makalangit na pamilya bilang mga anak ng Diyos Ama at Diyos Ina, ang sangkatauhan ay dapat na kumain ng tinapay ng Paskuwa at uminom ng alak ng Paskuwa, nakikibahagi sa laman at dugo ng Diyos.
Ngayon, ang mga miyembro ng Church of God sa 175 bansa ay nagdiriwang ng Paskuwa nang may iisang isip.
Sila’y naglilingkod sa anyo at anino ng makalangit na santuwaryo
Hebrews 8:5
Dumating ang araw ng Tinapay na Walang Pampaalsa, na noon ay kailangang ihandog ang kordero ng Paskuwa …
At siya’y dumampot ng tinapay, at nang siya’y makapagpasalamat, kanyang pinagputul-putol, at ibinigay sa kanila, na sinasabi, “Ito’y aking katawan na ibinibigay dahil sa inyo …”
Gayundin naman ang kopa, pagkatapos ng hapunan, na sinasabi, “Ang kopang ito na nabubuhos nang dahil sa inyo ay ang bagong tipan sa aking dugo.”
Luke 22:7–20
Kaya nga, hindi na kayo mga dayuhan at banyaga, kundi kayo’y mga kapwa mamamayan ng mga banal at mga kaanib ng sambahayan ng Diyos
Ephesians 2:19
119 Bundang P.O.Box, Bundang-gu, Seongnam-si, Gyeonggi-do, Rep. of KOREA
Tel 031-738-5999 Fax 031-738-5998
Head Office: 50, Sunae-ro, Bundang-gu, Seongnam-si, Gyeonggi-do, Rep. of Korea
Main Church: 35, Pangyoyeok-ro, Bundang-gu, Seongnam-si, Gyeonggi-do, Rep. of Korea
ⓒ World Mission Society Church of God. Reserbado ang lahat ng karapatan. Privacy Policy