Dahil ang lahat ng tao ay mga makasalanan mula sa langit,
hindi natin mauunawaan ang mga salita ng Diyos nang 100%,
ni hindi natin maikukumpara ang sentido kumon ng tao
sa dakilang karunungan ng Diyos na namamahala sa sansinukob.
Gaya ni Josue, ang mga kumikilala na tama ang mga salita
ng Diyos ay makakatanggap ng mga pagpapala. Gayunman,
ang mga gaya nina Acan at Haring Saul, na sumuway sa salita ng
Diyos alinsunod sa sarili nilang mga pag-iisip, ay mawawasak.
Si Cristo Ahnsahnghong at ang Diyos Ina, na kasama
ni David at ni Josue, ay nangako na lagi Nilang sasamahan
ang mga sumusunod sa mga salita ng Diyos sa isang lugar na
ginagawang mga alagad ang lahat ng bansa at nagbabautismo
sa mga tao sa pangalan ng Ama, ng Anak, at ng Espiritu Santo.
“Sapagkat ang aking mga pag-iisip ay hindi ninyo mga pag-iisip,
ni ang inyong mga pamamaraan ay aking mga pamamaraan,
sabi ng PANGINOON. Sapagkat kung paanong ang langit ay
higit na mataas kaysa lupa, gayon ang aking mga pamamaraan
ay higit na mataas kaysa inyong mga pamamaraan,
at ang aking mga pag-iisip kaysa inyong mga pag-iisip.”
Isaiah 55:8–9
119 Bundang P.O.Box, Bundang-gu, Seongnam-si, Gyeonggi-do, Rep. of KOREA
Tel 031-738-5999 Fax 031-738-5998
Head Office: 50, Sunae-ro, Bundang-gu, Seongnam-si, Gyeonggi-do, Rep. of Korea
Main Church: 35, Pangyoyeok-ro, Bundang-gu, Seongnam-si, Gyeonggi-do, Rep. of Korea
ⓒ World Mission Society Church of God. Reserbado ang lahat ng karapatan. Privacy Policy