Nakikita ng Diyos ang wakas mula sa pasimula. Sa pamamagitan ng
virus na hindi pa nangyari noon na tumama sa buong mundo
at sa pamamagitan ng iba’t ibang mga kaso ng di-pangkaraniwang klima,
ginigising ng Diyos ang Kanyang mga anak na ang Araw ng Paghuhukom
na nakapropesiya sa Biblia ay paparating na sa lalong madaling panahon.
Tinuturuan Niya tayo na ngayon na ang oras para gumising tayo
mula sa ating pagkakatulog at maghanda ng langis ng pananampalataya.
Alam ng mga miyembro ng Church of God ang dahilan para sa
maraming sakuna, at naiintindihan nila na ang paraan upang maligtas
sa Araw ng Paghuhukom ay ang maunawaan ang mga propesiya
ng Biblia na hinayag ni Cristo Ahnsahnghong at ng Makalangit na Ina.
Namumuhay ang mga miyembro nang may pagsisisi at naglalakad
patungo sa kaharian ng langit, sumusunod sa mga salita ng Diyos.
“At kapag kayo’y nakarinig ng mga digmaan at mga kaguluhan,
huwag kayong matakot. Sapagkat kailangang mangyari muna ang mga
bagay na ito, subalit hindi pa ito ang wakas.” Pagkatapos ay sinabi niya
sa kanila, “Babangon ang isang bansa laban sa bansa at ang isang kaharian
laban sa kaharian. Magkakaroon ng malalakas na lindol, at sa iba’t ibang
dako ay magkakaroon ng taggutom at mga salot”
Luke 21:9–11
“na nagpapahayag ng wakas mula sa pasimula,
at mula nang mga unang panahon, ng mga bagay
na hindi pa nangyayari; na nagsasabi, ‘Ang layunin ko
ay maitatatag, at gagawin ko ang lahat ng aking kaligayahan’ ”
Isaiah 46:10
119 Bundang P.O.Box, Bundang-gu, Seongnam-si, Gyeonggi-do, Rep. of KOREA
Tel 031-738-5999 Fax 031-738-5998
Head Office: 50, Sunae-ro, Bundang-gu, Seongnam-si, Gyeonggi-do, Rep. of Korea
Main Church: 35, Pangyoyeok-ro, Bundang-gu, Seongnam-si, Gyeonggi-do, Rep. of Korea
ⓒ World Mission Society Church of God. Reserbado ang lahat ng karapatan. Privacy Policy