Nagpropesiya na ang Diyos ng isang tanging kapahamakan
na darating sa panahong ito, sa pamamagitan ng Kanyang mga
propeta gaya nina Zephaniah, Malachi, Peter, at John.
Ipinakita rin Niya sa atin na tanging ang mga tumatanggap
ng tatak ng Diyos na dala-dala ang bagong pangalan ni Jesus
na Ahnsahnghong, ang Tagapagligtas sa panahon ng
Espiritu Santo, ay ang maliligtas mula sa huling sakuna.
Sa panahon ng Lumang Tipan, tanging ang mga naglagay ng
dugo ng kordero ng Paskuwa sa kanilang mga bahay
ang naligtas mula sa salot. Sa panahong ito, tanging ang mga
nakikibahagi sa tinapay at alak ng Paskuwa na kumakatawan
sa laman at dugo ni Jesus — ang katotohanan ng kordero
ng Paskuwa, ang makakatanggap ng tatak ng Diyos at
maliligtas mula sa huling sakuna.
Ipinapangilin ng mga miyembro ng Church of God ang Paskuwa
ng bagong tipan, na itinuro sa kanila ni Cristo Ahnsahnghong
at ng Diyos Ina. Tapat din nilang isinasagawa ang misyon ng
pangangaral ng mensahe ng kaligtasan: “Tanggapin ang tatak
ng Diyos para maligtas mula sa huling sakunang inihanda ng Diyos
para hatulan ang masasama!”
“Parurusahan kita ayon sa iyong mga lakad;
samantalang ang iyong mga kasuklamsuklam ay
nasa kalagitnaan mo. At inyong malalaman na ako
ang PANGINOON na nananakit.” Ezekiel 7:9
119 Bundang P.O.Box, Bundang-gu, Seongnam-si, Gyeonggi-do, Rep. of KOREA
Tel 031-738-5999 Fax 031-738-5998
Head Office: 50, Sunae-ro, Bundang-gu, Seongnam-si, Gyeonggi-do, Rep. of Korea
Main Church: 35, Pangyoyeok-ro, Bundang-gu, Seongnam-si, Gyeonggi-do, Rep. of Korea
ⓒ World Mission Society Church of God. Reserbado ang lahat ng karapatan. Privacy Policy