Gaya ng pinanghahawakan ng mga banal ng sinaunang Simbahan ang pag-asa ng muling pagkabuhay sa pamamagitan ng muling pagkabuhay ni Jesu-Cristo at hindi sila natakot sa mga paghihirap, mga pag-uusig, o sa masasamang kalagayan ng mundong ito, gayundin ang mga banal ng Church of God.
Hindi sila namumuhay para sa mga bagay na nakikita ng mga mata o para sa mga panandaliang sandali, kundi sa halip, namumuhay sila nang may pag-asa para sa muling pagkabuhay kung saan mabubuhay sila sa mga espirituwal na katawan sa espirituwal na mundo.
Pagkatapos muling mabuhay ni Jesus, bigla Siyang naglaho habang nakikipag-usap sa Kanyang mga alagad, nagpakita nang di-inaasahan sa isang nakakandadong silid, at nagpakita ng Kanyang pag-akyat sa langit sa harapan nila.
Nangangahulugan ito na tayo rin ay magiging gaya ni Jesus sa umaga ng muling pagkabuhay.
Mayroong mga katawang makalangit, at mga katawang makalupa, subalit iba ang kaluwalhatian ng makalangit, at iba naman ang makalupa …
Kung may katawang makalupa ay mayroon ding espirituwal.
1 Corinthians 15:40–44
119 Bundang P.O.Box, Bundang-gu, Seongnam-si, Gyeonggi-do, Rep. of KOREA
Tel 031-738-5999 Fax 031-738-5998
Head Office: 50, Sunae-ro, Bundang-gu, Seongnam-si, Gyeonggi-do, Rep. of Korea
Main Church: 35, Pangyoyeok-ro, Bundang-gu, Seongnam-si, Gyeonggi-do, Rep. of Korea
ⓒ World Mission Society Church of God. Reserbado ang lahat ng karapatan. Privacy Policy