Sa Lumang Tipan, ipinagdiwang ang Araw ng mga Unang Bunga
sa pagwawagayway ng isang bigkis ng unang bunga
sa araw pagkatapos ng Sabbath. Sa Bagong Tipan, nabago ito
sa Araw ng Muling Pagkabuhay, kung kailan ipinagdiriwang
ang muling pagkabuhay ni Jesus bilang ang unang bunga.
Nabigla at nasa labis na kalungkutan
ang mga alagad ni Jesus ng sinaunang Simbahan
matapos mamatay si Jesus sa krus. Pero muli silang
nagkaroon ng pananampalataya, tapang, at lakas
sa pamamagitan ng muling pagkabuhay ni Jesus.
Binigay ni Jesus sa buong sangkatauhan ang
buháy na pag-asa para sa muling pagkabuhay.
Nakakapangiti ang mga mananampalataya
kahit sa mahirap na mundong ito.
Ito ay dahil ang muling pagkabuhay ni Jesus
ay nagbigay ng pag-asa ng kaligtasan sa kanila
na nakakadena sa kamatayan at dahil mayroon silang
kumpiyansa na magbabago sila nang maganda
gaya ng isang anghel at papasok sa langit sa hinaharap.
119 Bundang P.O.Box, Bundang-gu, Seongnam-si, Gyeonggi-do, Rep. of KOREA
Tel 031-738-5999 Fax 031-738-5998
Head Office: 50, Sunae-ro, Bundang-gu, Seongnam-si, Gyeonggi-do, Rep. of Korea
Main Church: 35, Pangyoyeok-ro, Bundang-gu, Seongnam-si, Gyeonggi-do, Rep. of Korea
ⓒ World Mission Society Church of God. Reserbado ang lahat ng karapatan. Privacy Policy