Inutusan ng Diyos si Moises na magtayo ng tabernakulo para ilagay rito ang ikalawang Sampung Utos. Nang naunawaan ng mga tao ang kanilang kasalanan na nagresulta sa pagkakabasag ng unang Sampung Utos, nagsisi sila at kusang-loob na nagdala ng mga materyales para sa templo. Ito ang naging pinagmulan ng Kapistahan ng mga Tabernakulo. Pagkatapos nito, nagtayo sila ng mga kubol sa bulwagan o sa bubungan ng bahay sa paggamit ng lahat ng uri ng mga sanga ng mga punungkahoy.
Ang Kapistahan ng mga Tabernakulo ay ang araw kung kailan tinitipon ni Cristo Ahnsahnghong at ng Diyos Ina ang Kanilang bayan nang sama-sama. Dapat na magpasalamat ang sangkatauhan sa Diyos na nagpatawad sa kanila at na nagligtas sa kanila mula sa kanilang mga kasalanan, at sa pamamagitan ng Espiritu Santo ng huling ulan na natanggap nila, dapat nilang hanapin sa buong mundo ang lahat ng makalangit na kapamilya, na siyang mga materyales para sa makalangit na Templo ng Jerusalem.
Kaya’t ganito ang sabi ng PANGINOON, ng Diyos ng mga hukbo: “… gagawin kong apoy ang aking mga salita sa inyong bibig, at ang sambayanang ito ay kahoy”
Jeremiah 5:14
Sa kanya ang buong gusali ay nakalapat na mabuti at lumalaki tungo sa pagiging isang banal na templo sa Panginoon; na sa kanya kayo rin ay magkasamang itinatayo upang maging tahanan ng Diyos sa Espiritu.
Ephesians 2:21–22
119 Bundang P.O.Box, Bundang-gu, Seongnam-si, Gyeonggi-do, Rep. of KOREA
Tel 031-738-5999 Fax 031-738-5998
Head Office: 50, Sunae-ro, Bundang-gu, Seongnam-si, Gyeonggi-do, Rep. of Korea
Main Church: 35, Pangyoyeok-ro, Bundang-gu, Seongnam-si, Gyeonggi-do, Rep. of Korea
ⓒ World Mission Society Church of God. Reserbado ang lahat ng karapatan. Privacy Policy