Ang Pista ng mga Tabernakulo sa Lumang Tipan, na gumugunita sa pagtatayo ng templo, ay isang anino, at ang katotohanan nito ay ang Pista ng mga Tabernakulo sa Bagong Tipan, kung saan ibinibigay ng Diyos ang Espiritu Santo ng huling ulan bilang ang tubig ng buhay. Ipinapakita nito na dapat na lumapit ang lahat ng tao sa Diyos Ina, na kinakatawan bilang ang Templo ng Jerusalem, para matanggap nila ang Espiritu Santo ng huling ulan at para maligtas sila.
Tanging ang Diyos ang nakakapagbigay ng tubig ng buhay sa buong sangkatauhan. Kaya ang Espiritu at ang Babaing ikakasal, na nagbibigay ng tubig ng buhay nang walang bayad sa mga huling araw, ay ang Diyos Ama at ang Diyos Ina.
Ang Espiritu at ang babaing ikakasal ay nagsasabi, “Halika.” At ang nakikinig ay magsabi, “Halika.” At ang nauuhaw ay pumarito, ang may ibig ay kumuha ng tubig ng buhay nang walang bayad. Revelation 22:17
119 Bundang P.O.Box, Bundang-gu, Seongnam-si, Gyeonggi-do, Rep. of KOREA
Tel 031-738-5999 Fax 031-738-5998
Head Office: 50, Sunae-ro, Bundang-gu, Seongnam-si, Gyeonggi-do, Rep. of Korea
Main Church: 35, Pangyoyeok-ro, Bundang-gu, Seongnam-si, Gyeonggi-do, Rep. of Korea
ⓒ World Mission Society Church of God. Reserbado ang lahat ng karapatan. Privacy Policy