Ang santuwaryo at ang tabing, na ginawa ni Moises bilang anyo o kopya ng makalangit na santuwaryo, ay kumakatawan kay Jesu-Cristo, at ang Dakong Kabanal-banalan ay kumakatawan sa Makalangit na Inang Jerusalem.
Sa pamamagitan ng santuwaryo, pinahintulutan tayo ng Diyos na maunawaan ang tungkol sa
Diyos Ama at Diyos Ina.
Ang mga propeta ay nagpatotoo na ang sangkatauhan ay makakatanggap ng buhay sa pamamagitan ng tubig ng buhay na umaagos mula sa templo.
2,000 taong nakalilipas, si Jesus, na Siyang templo, ay sumigaw sa Huling Araw ng mga Kapistahan ng mga Tabernakulo, para ipagkalooob ang tubig ng buhay, at nakapropesiya sa Biblia na sa Panahon ng Espiritu Santo, ang Espiritu at ang Babaing ikakasal, na realidad ng Dakong Banal at ng Dakong Kabanal-banalan, ay darating sa lupang ito at magbibigay ng kaligtasan sa sangkatauhan sa pamamagitan ng tubig ng buhay.
Sinabi ng mga Judio, “Apatnapu’t anim na taon ang pagtatayo ng templong ito, at itatayo mo sa loob ng tatlong araw?” Subalit siya’y nagsasalita tungkol sa templo ng kanyang katawan.
John 2:20–21
Ang Espiritu at ang babaing ikakasal ay nagsasabi, “Halika.” At ang nakikinig ay magsabi, “Halika.” At ang nauuhaw ay pumarito, ang may ibig ay kumuha ng tubig ng buhay nang walang bayad.
Revelation 22:17
119 Bundang P.O.Box, Bundang-gu, Seongnam-si, Gyeonggi-do, Rep. of KOREA
Tel 031-738-5999 Fax 031-738-5998
Head Office: 50, Sunae-ro, Bundang-gu, Seongnam-si, Gyeonggi-do, Rep. of Korea
Main Church: 35, Pangyoyeok-ro, Bundang-gu, Seongnam-si, Gyeonggi-do, Rep. of Korea
ⓒ World Mission Society Church of God. Reserbado ang lahat ng karapatan. Privacy Policy