Ang dahilan kung bakit nilikha ng Diyos ang lahat ng buháy na nilalang sa lupang ito na tumanggap ng buhay sa pamamagitan ng isang ina ay upang ipaalam sa atin na ibinibigay lang ang buhay na walang hanggan sa pamamagitan ng ating espirituwal na Ina.
Ang dahilan kung bakit tayo tinuruan ng Diyos na Siya ay ating “Ama,” at na tayo ay Kanyang mga anak na lalaki at babae, ay upang ipaalam sa atin ang pag-iral ng Diyos Ina sa pamamagitan ng mga titulo ng bawat miyembro ng pamilya.
Iniisip ng mga tao na mahalagang magplano para sa kanilang pagriretiro habang isinasapamuhay ang kanilang maikling buhay sa lupang ito. Pero sa katunayan, mas mahalagang magplano at maghanda para sa mundo ng mga anghel kung saan tayo mabubuhay magpakailanman.
Ang mga tunay na naghahangad sa kaharian ng langit ay tinatanggap si Amang Cristo Ahnsahnghong at ang Diyos Ina na dumating bilang mga Tagapagligtas sa Panahon ng Espiritu Santo at ipinapangilin din nila ang araw ng Sabbath at ang Paskuwa ng bagong tipan bilang mga miyembro ng makalangit na pamilya.
“Karapat-dapat ka, O Panginoon at Diyos namin, na tumanggap ng kaluwalhatian at karangalan at kapangyarihan, sapagkat nilikha mo ang lahat ng mga bagay at dahil sa iyong kalooban ay nabuhay sila at nalikha.”
Revelation 4:11
119 Bundang P.O.Box, Bundang-gu, Seongnam-si, Gyeonggi-do, Rep. of KOREA
Tel 031-738-5999 Fax 031-738-5998
Head Office: 50, Sunae-ro, Bundang-gu, Seongnam-si, Gyeonggi-do, Rep. of Korea
Main Church: 35, Pangyoyeok-ro, Bundang-gu, Seongnam-si, Gyeonggi-do, Rep. of Korea
ⓒ World Mission Society Church of God. Reserbado ang lahat ng karapatan. Privacy Policy