Sa mga araw ngayon, napakaraming simbahan ang nag-aangking nagdiriwang sila ng Pentecostes at natanggap ang Espiritu Santo.
Gayunman, makakatanggap tayo ng mga pagpapala ng Espiritu Santo pag ipinagdiwang natin ang Pentecostes sa araw na tinakda ng Diyos alinsunod sa regulasyong tinatag ng Diyos.
Ang Araw ng Pentecostes ay ang ikalimampung araw matapos ang Araw ng mga Unang Bunga (Araw ng Muling Pagkabuhay).
Alinsunod sa salita ni Jesus, ang mga alagad ay nanalangin sa itaas na silid ni Marcos nang sampung araw mula sa Araw ng Pagpalangit at tumanggap ng Espiritu Santo sa pagdiriwang ng Pentecostes.
Ang World Mission Society Church of God ay ang tanging Simbahan na tumatanggap ng pagpapala ng Espiritu Santo na prinopesiya sa Biblia sa pagdiriwang ng Araw ng Pentecostes alinsunod sa mga salita ni Jesus.
Nang dumating ang araw ng Pentecostes, silang lahat ay nagkakatipon sa isang lugar. Biglang dumating mula sa langit ang isang ugong na gaya ng isang humahagibis na hanging malakas, at pinuno nito ang buong bahay kung saan sila'y nakaupo.
Sa kanila’y may nagpakitang parang mga dilang apoy na nahahati at lumapag sa bawat isa sa kanila.
Silang lahat ay napuspos ng Espiritu Santo, at nagsimulang magsalita ng iba't ibang wika, ayon sa ipinagkaloob sa kanila ng Espiritu.
Acts 2:1–4
119 Bundang P.O.Box, Bundang-gu, Seongnam-si, Gyeonggi-do, Rep. of KOREA
Tel 031-738-5999 Fax 031-738-5998
Head Office: 50, Sunae-ro, Bundang-gu, Seongnam-si, Gyeonggi-do, Rep. of Korea
Main Church: 35, Pangyoyeok-ro, Bundang-gu, Seongnam-si, Gyeonggi-do, Rep. of Korea
ⓒ World Mission Society Church of God. Reserbado ang lahat ng karapatan. Privacy Policy