Ang impiyerno ay isang napakakakila-kilabot na lugar kung saan mahirap tumanggap ng kahit isang patak ng tubig habang nasa matinding paghihirap ng apoy. (Luke 16:24) Sinabi ni Jesus na kung ang ating kamay, paa, o mata ang nakapagpapatisod sa atin, mas mabuting putulin o dukitin ito kaysa sa mapunta sa impiyerno. (Mark 9:43) Ito ay dahil ang pagdurusa sa impiyerno ay hindi maikukumpara sa kirot ng pagputol ng isang bahagi ng ating katawan.
“Kung saan ang kanilang mga uod ay hindi namamatay, at ang apoy ay hindi napapatay.” Mark 9:48
“Sapagkat bawat isa’y aasinan ng apoy.” Mark 9:49
Kahit na napakasakit ng parusa ng impiyerno, hindi natin magagawang mamatay nang sa mga sarili natin. Sa impiyerno, walang sandali ng kagalakan ng buhay, walang sandali ng kapahingahan, at wala man lang pag-asa ng kaligtasan, kundi tanging matinding kirot, panghihinayang, at kalungkutan ang naroon. Bakit tayo mapupunta sa impiyerno kung hindi tayo magsisisi pagkatapos marinig ang ebanghelyo?
Bago tayo isinilang sa lupang ito, dati tayong mga anghel sa langit. (Job 38:4-21) Gayunman, nagkasala tayo sa langit at nakatanggap ng hatol ng pagpunta sa impiyerno. Kaya isinilang tayo sa lupa, isang espirituwal na kulungan, at pansamantala tayong nananatili rito. (Ezekiel 28:13-17) Kung hindi natin hahanapin sa lupang ito ang paraan upang maiwasan ang parusa ng impiyerno, tayo ay nakatakdang mapunta sa impiyerno.
“Kahabag-habag na tao ako! Sino ang magliligtas sa akin mula sa katawang ito ng kamatayan?” Romans 7:24
Naawa ang Diyos sa sangkatauhan na nakatakdang tumanggap ng parusa ng impiyerno, at Siya mismo ay pumarito sa lupa para ipakita ang paraan upang maiwasan ang parusa ng impiyerno.
“Pumarito Ako ... upang tawagin ... ang mga makasalanan tungo sa pagsisisi.” Luke 5:32
Para patawarin ang ating mga kasalanan na humahantong sa kamatayan at upang iligtas tayo mula sa parusa ng impiyerno, ibinigay ng Diyos ang Kanyang laman at dugo bilang pantubos para sa sangkatauhan, na mga makasalanan.
“Kumuha kayo, kainin ninyo; ang tinapay ng Paskuwa ay ang Aking katawan.” Matthew 26:26
“Ang alak ng Paskuwa ay ang Aking dugo ng tipan, na nabubuhos dahil sa marami, sa ikapagpapatawad ng mga kasalanan.” Matthew 26:28
Pag ipinagdiwang natin ang Paskuwa ng bagong tipan, pagpapalain tayo na magkaroon ng kapatawaran ng mga kasalanan at maliligtas mula sa parusa ng impiyerno. Gayundin, makakatanggap tayo ng buhay na walang hanggan at makakabalik sa langit.
“Ang kumakain ng Aking laman at umiinom ng Aking dugo ay may buhay na walang hanggan, at siya’y muli Kong bubuhayin sa huling araw.” John 6:54
Gayunman, kung tatanggihan natin ang mensahe na, “Tanggapin ang kapatawaran ng mga kasalanan at buhay na walang hanggan sa pamamagitan ng Paskuwa,” ang mga kasalanang nagawa natin sa langit ay hindi mapapatawad, at tatanggap tayo ng parusa ng impiyerno gaya ng nakatadhana.
“Pinakahahangad Kong kainin na kasalo kayo ang kordero ng Paskuwang ito bago Ako magdusa.” Luke 22:15
Pakiusap, ipagdiwang ang Paskuwa ng bagong tipan, ang tanda ng Diyos para sa kapatawaran ng mga kasalanan, at bumalik sa langit!
119 Bundang P.O.Box, Bundang-gu, Seongnam-si, Gyeonggi-do, Rep. of KOREA
Tel 031-738-5999 Fax 031-738-5998
Head Office: 50, Sunae-ro, Bundang-gu, Seongnam-si, Gyeonggi-do, Rep. of Korea
Main Church: 35, Pangyoyeok-ro, Bundang-gu, Seongnam-si, Gyeonggi-do, Rep. of Korea
ⓒ World Mission Society Church of God. Reserbado ang lahat ng karapatan. Privacy Policy