Gaya ng kailangan natin ng mga sertipikasyon at mga lisensiya
para makapaghanapbuhay sa mundong ito, kailangan din natin
ng makalangit na pagkamamamayan para makapasok
sa kaharian ng langit. Sinasabihan tayo ng Biblia na ang kwalipikasyon
para makapasok sa langit ay ang Paskuwa ng bagong tipan.
Gaya ng naniniwala tayo sa nakikitang mundo, kailangan din nating maniwala
sa di-nakikitang mundo. Naniwala si Noah sa salita ng Diyos
nang sinabi ng Diyos na wawasakin Niya ang mundo sa pamamagitan ng ulan,
na hindi niya kailanman naranasan dati. Ang mga miyembro ng sinaunang
Simbahan ay hindi nawalan ng pag-asa para sa langit kahit nasa pag-uusig.
Dapat tayong maniwala sa Diyos Amang Ahnsahnghong
at sa Diyos Ina, na dumating bilang ang Espiritu at ang Babaing ikakasal
sa panahong ito, at dapat tayong mangilin ng Paskuwa ng bagong tipan
alinsunod sa utos ng Diyos. Pagkatapos lang nito natin matatanggap ang makalangit
na pagkamamamayan sa pamamagitan ng Paskuwa ng bagong tipan,
gaya ng ginawa ni Apostol Paul.
Ngayon, ang pananampalataya ay ang katiyakan sa mga bagay na inaasahan,
ang paninindigan sa mga bagay na hindi nakikita …
At kung walang pananampalataya ay hindi maaaring kalugdan ng Diyos Hebrews 11:1–6
119 Bundang P.O.Box, Bundang-gu, Seongnam-si, Gyeonggi-do, Rep. of KOREA
Tel 031-738-5999 Fax 031-738-5998
Head Office: 50, Sunae-ro, Bundang-gu, Seongnam-si, Gyeonggi-do, Rep. of Korea
Main Church: 35, Pangyoyeok-ro, Bundang-gu, Seongnam-si, Gyeonggi-do, Rep. of Korea
ⓒ World Mission Society Church of God. Reserbado ang lahat ng karapatan. Privacy Policy