Sa panahon ng Lumang Tipan, ang Dakong Kabanal-banalan kung saan iningatan ang kaban ng tipan ay may parehong haba, luwang, at taas. Tinuturo nito sa atin na ang Babaing ikakasal, iyon ay, ang Diyos Ina, na kinakatawan ng banal na lungsod ng Jerusalem sa langit na may magkakasukat na haba, luwang, at taas ay ang pinagmumulan ng tubig ng buhay at ang realidad ng Dakong Kabanal-banalan.
Gaya ng nilikha ng Diyos ang langit, ang lupa, at ang lahat na naroroon gamit ang Kanyang salita sa pasimula, dapat tayong maniwala na may kapangyarihan din ang mga Salitang, “Tanggapin ninyo ang Espiritu Santo,” na binigay sa Huling Araw ng Kapistahan ng mga Tabernakulo. Pag ipinangaral natin ang ebanghelyo nang may ganitong pananampalataya, magaganap ang gawain ng Espiritu Santo ng huling ulan na mas makapangyarihan kaysa sa gawain ng Espiritu Santo na natupad sa sinaunang Simbahan.
At dumating ang isa sa pitong anghel … at nagsalita sa akin na nagsasabi, “Halika, ipapakita ko sa iyo ang babaing ikakasal, ang asawa ng Kordero” … at ipinakita sa akin ang banal na lunsod ng Jerusalem, na bumababa mula sa langit buhat sa Diyos … Ang haba, luwang at ang taas nito ay magkakasukat.
Revelation 21:9–16
119 Bundang P.O.Box, Bundang-gu, Seongnam-si, Gyeonggi-do, Rep. of KOREA
Tel 031-738-5999 Fax 031-738-5998
Head Office: 50, Sunae-ro, Bundang-gu, Seongnam-si, Gyeonggi-do, Rep. of Korea
Main Church: 35, Pangyoyeok-ro, Bundang-gu, Seongnam-si, Gyeonggi-do, Rep. of Korea
ⓒ World Mission Society Church of God. Reserbado ang lahat ng karapatan. Privacy Policy